^

PSN Showbiz

Vina, Eula sa isang soap opera

-
Very excited si Vina Morales sa gagawin nitong soap sa Dos na kasama si Ms. Eula Valdez. Kwentong magkapatid ang gagampanan nilang dalawa na ayaw pa ibunyag ng aktres kung ano ang magiging titulo ng bagong panonoorin ng TV huffs. "Super ang excitement ko talaga dahil natupad na rin ang pangarap kong mapasama sa isang soap. Lalo akong masayang-masaya dahil si Direk Rory ang hahawak sa amin."

Pang-prime time ang gagawing soap ng dalawa na hindi pa siniguro ng aktres kung alin sa dalawang soap, ang Sa Dulo Ng Walang Hanggan o Sa Puso Ko, Iingatan Ka ang papalitan ng kanilang soap pero ang sinigurado ng aktres ay hindi ito mapapabilang sa pang-araw na palabas.

Pinabulaanan ni Vina na ayaw nitong magkaroon ng soap dahil posibleng maapektuhan ang kanyang mga show lalo na iyong pang-abroad. "No, it’s not true. Ang totoo nga niyan ay noon ko pa gustong magka-soap and thank God, I have it now. Hindi naman magiging conflict ito sa aking mga show dahil I’ll see to it na magpapaalam ako months before my show."

Posibleng naintriga si Vina na ayaw nitong magka-soap opera kung pang-kontrabida ang kanyang magiging papel. "Di ko ma-imagine ang sarili ko na mumurahin sa mall at babatuhin ng tissue paper dahil kinakawawa ko ang bida sa soap. I’m a singer at ayaw kong sa show ko ay mararanasan ko ang ganito." – Alex Datu

vuukle comment

ALEX DATU

DIREK RORY

IINGATAN KA

KWENTONG

MS. EULA VALDEZ

SA DULO NG WALANG HANGGAN

SA PUSO KO

SOAP

VINA MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with