^

PSN Showbiz

Wish nilang sumayaw sa 'Master Showman'

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Bilang pasasalamat ng Katipunan ng mga Artista ng Pelikulang Pilipino at Telebisyon, muli kaming naghanda ng isang Christmas presentation, ang Starry Starry Night. Isang palabas na magbibigay ng kasiyahan sa mga sumusuporta at tumatangkilik sa pelikulang Pilipino at maging sa telebisyon. Ito ay sa pakikipagtulungan ng Airtime Marketing sa pangunguna ni Tess Celestino. Mapapanood ang Starry Starry Night sa Dec 7, 9:00 p.m sa RPN-9.

Ngayon pa lang, nais naming ipaabot ang lubos na pasasalamat sa mga artistang nakiisa - Mega Star Sharon Cuneta, Jolina Magdangal, Martin Nievera, Gretchen Barretto, Aiza Seguerra, Ruffa Gutierrez, Nanette Medved, Jessa Zaragoza, Dingdong Avanzado, Maribeth Bichara ng VIP, Big Men, After Shock dancers at marami pang iba. Ito’y sa direksyon ni Direk Al Quinn.

Abangan n’yo ‘yan dahil isang beses lang sa isang taon namin ito gagawin.
* * *
Masayang ibinalita sa akin ni Bong Revilla sa taping namin ng Idol Ko si Kap na malaki ang improvement ng anak niyang si Jolo sa acting dito sa pelikula nilang Agimat ni Lolo na entry ng Imus Productions sa MMFF.

Nakakagulat daw ang akting ni Jolo. Ibang-iba na raw ang anak niya sa nauna nilang pelikula. Aminado nga si Bong na mas magaling si Jolo kesa sa kanya nung kapanahunan niya.

Biniro ko rin si Bong na mukhang bagay sina Shaina Magdayao at Jolo. Sinang-ayunan ako ni Bong.

Speaking of Shaina, dumalo ako sa 13th birthday ng young star na ginanap sa Celebrity Plaza nung nakaraang Wednesday. Puno ang function room sa rami ng bisita. Dumating din ang kanyang ate Vina at maging ang mga kasamahan niya sa ABS-CBN Talent Center.

Again happy birthday, sana ay makamit mo ang lahat ng pangarap mo sa buhay. Kasama ako sa dumadalangin na maging mas matagumpay pa ang iyong career. At sana makasama uli ako sa iyong 18th b-day.
* * *
Natuwa ako nang abisuhan ako ni Bernadette Sembrano, host ng Wish Ko Lang ng GMA-7 na may isang grupo ng kabataan na mahilig sumayaw na ang tanging hiling ay makapag-guest sa Master Showman. Salamat at kahit sa maliit na bagay ay nakakapagpasaya pala ang Master Showman ng mga kabataang may hilig sa pagsayaw. Ngayon pa lang ay welcome na ang grupong sinasabi ni Bernadette sa Master Showman. Sa abot ng aking makakaya, tutulungan ko kayo.
* * *
"Angels do guide us," sabi ni Jose Javier Reyes na writer at director ng Anghel sa Lupa. "They often stay around with us, though we are not aware of them, to see to it that we are well-protected and guided," patuloy niya.

Sinabi rin niya na ang mga anghel ay binigyan ng mission to accomplish para nakakasama natin sila sa lahat ng oras.

Ipinaliwanag din niya na pag namatay ang isang tao, ang kanyang pagmamahal ay nagpapatuloy.

Kaya sinasabi niya na hindi dapat natatakot ang kahit sino sa ghosts. "If we feel their presence, we must welcome them for they have a message to convey to us. Better still talk to them," sabi niya.

Kaya next time you feel a strange feeling, na may ghost sa inyong paligid or near, kausapin n’yo. Kaya kailangan n’yong panoorin ang Anghel sa Lupa para magkaroon kayo ng idea kung paano i-entertain ang ghost.

Kasama syempre sa pelikula si Dina Bonnevie, Cogie Domingo, Maxene Magalona at marami pang iba.

Ghost si Cogie sa pelikulang ito at 20% lang na buhay siya bilang anak ni Dina.

Ito ang unang pagkakataon na nagsama si Dina at Cogie. Kung matatandaan n’yo, nagkaroon no’n ng issue between Cogie and Oyo Boy, anak ni Dina dahil kay Anne Curtis. "Wala na ‘yun, last year pa nag-uusap na kami," sabi ni Cogie nang makausap ko.

Tungkol naman kay Dina, sa kabila ng denial nila ni Diether Ocampo kung saan magkasama sila sa Bahid, nali-link pa rin sila dahil may pagkakataon daw noong ginagawa nila ang Bahid na bigla na lang silang nawawala sa set.

Tungkol pa rin kay Dina, inamin niya na iniyakan niya ang hindi niya pagkakasama sa station ID ng GMA 7 kung saan naging loyal siya ng maraming taon hanggang ngayon. Pero balewala na raw ‘yun sa kanya ngayon dahil nangako naman sa kanya ang GMA na bibigyan siya ng bagong show. Admitted din ang aktres na maraming beses siyang kinausap ng ABS-CBN pero nanatili siya sa GMA kaya nasaktan siya sa nangyari.

O ’yan siguro naman malinaw na sa inyo ang mga issue tungkol kay Dina.

AFTER SHOCK

AIRTIME MARKETING

DINA

JOLO

KAYA

MASTER SHOWMAN

NIYA

STARRY STARRY NIGHT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with