^

PSN Showbiz

Ina ni Isabel dadalo sa kanyang kasal

-
Ikakasal na si Isabel Granada sa darating na Kapaskuhan. Marami ang sumasang-ayon dahil 27 taong gulang na siya. Tapos na siya ng kolehiyo at isang matagumpay na artista at recording artist.

Ang pagpapakasal ni Isabel sa kanyang boyfriend na si Geryk Genasky ay nabigyan ng kulay dahil maraming nakapansin umano sa pamimilog ng katawan ng aktres.

"Bakit ba naging malaking deal sa iba ang desisyon kong magpakasal? I’m old enough to decide for myself."

Darating ang kanyang Mommy Guapa mula sa Espanya bago mag-Pasko at sinabi ng aktres na maganda na ang relasyon nilang mag-ina. "Pinalaki lang ng mga reporter ang awayan naming mag-ina. Wala namang big deal dito dahil natural lang naman sa mag-ina na kung minsan ay di magkasundo at magkaroon ng konting diskusyon. Kailanman, di nangyari sa amin ang mawalan ng communication. Kahit nasa Spain siya ay tuloy pa rin ang aming pag-uusap. Tiyak na darating siya bago mag-Pasko."

Abala si Isabel sa partisipasyon nito sa soap opera na Sa Puso Ko, Iingatan Ka na bida sina Judy Ann Santos at Piolo Pascual. "Nagkatuwaan kami ni Juday doon sa catalogue ng wedding gown. May gustung-gusto akong trahe de boda doon at pati na si Juday ay may napili rin." –Alex Datu

vuukle comment

ALEX DATU

GERYK GENASKY

IINGATAN KA

ISABEL GRANADA

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

MOMMY GUAPA

PASKO

PIOLO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with