^

PSN Showbiz

Mga hindi pwede kay Rica!

- Veronica R. Samio -
"Walang frontal, walang hipo o hawak sa kahit anong parte ng body ko," ang ani Rica Peralejo ay mga limitasyon niya, o ang mga di pwedeng gawin niya o sa kanya, sa pagtanggap niya ng bold films.

It is her versus Maui Taylor sa pinakabagong movie ng Viva Films, ang Hibla sa direksyon ni Yam Laranas.

"Alam ko na ikukumpara na naman kami pero, ano pa ba ang bago?Sanay na ako rito."

Sinasabi naman ni Maui Taylor na idol niya si Ate Rica. "Whatever she can do, I can do it as well. Pero, yung equal billing, hindi totoo, I would not even dream of it. Alam ng lahat na mas nauna si Ate Rica sa akin sa showbiz."

Hibla
was written for the screen by Edgar Ilao and Quark Henares. Story by Quark Henares, Edgar Ilao and Yam Laranas. Kasama rin sa movie sina Ricky Davao, Antonio Aquitania at Tina Monasterio.
*****
Isa lamang grupo ng mga mananayaw ang Streetboys nung una nilang gawin ang Spirit Warriors. Ngayon, sa sequel nito na Shortcut: Spirit Warriors, individual stars na sila in their own right.

Si
Danilo Barrios, marami nang pinagbidahang pelikula bukod pa sa mga TV shows na nilalabasan niya. Most promising Actor siya ng TV Star Awards.

Si
Jhong Hilario ay isang Best Supporting Actor awardee at may important roles sa Muro Ami, Sa Pusod Ng Dagat at Bagong Buwan.

Si
Christopher Cruz ay may mahalagang role sa Shortcut: Spirit Warriors. Baka ito na ang simula ng pamamayagpag niya.

Si
Spencer Reyes ay nagbabalik pelikula matapos mawala ng dalawang taon. Siya ang pinaka-beterano sa grupo at may pinaka-maraming pelikula bukod pa sa humahawak siya ng Best Åctor trophy mula sa Star Awards.

Si
Vhong Navarro naman ang komedyante ng grupo at sidekick ng mga malalaking bida.

Kasama ng grupo sa pelikula sina
Gloria Romero, Jaime Fabregas, Dexter Doria, Marissa Sanchez, Roy Alvarez at Marlu Aquino. Direksyon ni Chito Roño.
*****
Sarap ng pagkain sa Something Fishy, isang bagong bukas na restoran sa Eastwood Libis na pag-aari ng beteranong broadcaster na si Lito Balquiedra. Ispesyalidad ng restoran ang iba’t ibang recipe na mula sa pinaka-ordinaryo hanggang sa pinaka-rare na specie ng isda.

Tamang-tama ito sa isang diabetic na katulad ko at siya ring nagtulak kay G. Balquiedra na ganitong kainan ang itayo dahilan sa may kapareho kaming kapansanan, Diabetes. Bukod dito, pangingisda rin ang paborito niyang libangan at marami siyang kaalaman tungkol sa mga isda.

Mag-uumaga na nang kumain kami dun ng ilang entertainment press sa imbitasyon ni Kuya Germs Moreno na isang close friend ng may-ari pero, napakarami pa ring kumakain at grupo-grupo sila. Katunayan SRO sa labas ng restoran at sa tingin ko lahat ay kuntento sa kinakain nila na nagbibigay ng malaking ngiti sa mga labi ni G. Balquiedra na personal na nangangasiwa ng lugar simula nang siya ay mag-retiro sa ABS -CBN.

Samantala, magkakaroon ng isang Mardigras Carnaval Du Eastwood, ang tinatayang pinaka-malaki at prestihiyosong costume parade at festival of beauties sa Disyembre 7, 7:00 n.g. sa Eastwood City Walk, Central Park, QC.

Interested parties who may want to join the competition must register on Nov. 8 sa Segway Comedy Bar sa Libis.

Madaraos din ng Guy and Gal In The City, isang beauty, body and personality contest na bukas sa lahat, 16-28 years old. Tumawag sa Istar Venture Prods, 8450652 at 8452785. Hanapin si Beverly (09179325714) o Tet Blanco (09164200712) at Myra.

vuukle comment

ALAM

ANTONIO AQUITANIA

ATE RICA

BAGONG BUWAN

BALQUIEDRA

MAUI TAYLOR

QUARK HENARES

SPIRIT WARRIORS

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with