^

PSN Showbiz

Si Direk Rowell ang palaging ka-text ni Juday!

-
Hindi agad nakasagot si Judy Ann Santos sa balitang pinupormahan siya ngayon ni Direk Rowell Santiago.

Nagsimulang pag-usapan sina Juday at Direk Rowell sa programang panghapon ni Inday Badiday sa DZMM nang isang text sender ang nagtanong kung may gusto si Direk Rowell sa young superstar. Maganda naman ang naging komento ni Ate Luds, Tita Angge at Alex Datu na kung magkakatuluyan ang dalawa, maswerte ang aktres dahil mabait at galing sa magandang pamilya ang binatang direktor.

Ginatungan naman ito ni Randy Santiago nang sa isang edisyon ng MTB ay biniro nito si Juday tungkol sa kanyang direktor na kapatid. "Hindi ko alam kung bakit ako tinutukso kay direk. Wala lang siguro siyang magawa. He he he he...!"

Inamin ni Juday na matagal na silang nagpapalitan ng text messages na nagsimula noong idinirek siya ni Direk Rowell sa Love Text at hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang batian at balitaan nila sa pamamagitan ng text messages. – Alex Datu

ALEX DATU

ATE LUDS

DIREK ROWELL

DIREK ROWELL SANTIAGO

INDAY BADIDAY

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

LOVE TEXT

RANDY SANTIAGO

TITA ANGGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with