Claudine, hindi nagba-bra!
October 10, 2002 | 12:00am
Hanggang ngayon, hindi pa rin fully recovered si Claudine Barretto sa pagkawala ni Rico Yan. "Im 50% okey now," she said during the presscon of Kailangan Kita with Aga Muhlach. Ayon kay Claudine, malaki ang naitulong ni Aga para madali siyang maka-recover dahil nga nagkaroon siya ng chance na umalis ng Manila - mostly out of town ang location nila. "Walang masyadong intriga dahil nasa Bicol kami non most of the time. And si Aga pag nakikita niyang malungkot ako, kinakausap niya ako," she added. Right after Ricos death, nag-work na agad siya - para nga sa pelikulang ito. Dahil nga matagal sila sa Bicol, nalibang siya kaya nakatulong yun para mapadali ang recovery niya pagkatapos ng intriga.
Pero hindi naging madali ang shooting nila dahil may time na nagkakasakit siya kaya inabot din sila ng almost seven months. Actually may mga tinanggihan na ngang project si Aga dahil na-delay ang shooting nila ng Kailangan Kita.
In any case, sa Bicol mostly ang setting nila kaya Im sure maraming Bicolano ang excited manood ng pelikula (like me). Lahat ng beautiful spots in Bicol, kinunan nila. Nagkaroon din sila ng chance mamasyal, mag-malling dahil nga day effect lang sila sa movie. So pagdating ng gabi, namamasyal na sila ni Aga ng walang security, parang normal lang. Nagpupunta sila sa market na sila lang.
May mga scene rin silang kinunan sa Pampanga. Once pa lang sila nag-shooting sa Manila, sa airport pa.
May dialoque din silang ginamit na Bicol. Meron din silang ginamit na dance music na kilala sa Bicol, ang "Pantomina."
Dahil nga Bicolana ang character ni Claudine, medyo may pagka-sensual siya rito. Sa entire movie, braless ang actress na isa sa mga characteristics ng isang Bicolana.
Anyway, kuwento ito ng isang New York based celebrity chef Carl Diesta (Aga) na nagbalik sa bansa after 17 years para pakasalan ang kanyang girlfriend na Bicolana, Chrissy Duran, na naka-base sa Albay ang family.
Naunang dumating si Carl sa Bicol dahil nasa photo session pa si Chrissy somewhere in Europe.
Na-impress naman ni Carl ang Duran family, from Chrissys mother, Chrissys brother, Fr. Ruben and Sonny at ang younger sister ng fiancee niyang si Giselle and of course, Chrissys father.
Sa wedding preparation, na-meet din ni Carl si Lena, ang isa pang sister ni Chrissy.
Accomplished cook si Lena kaya medyo na-intimidate si Carl kahit na nga celebrity chef siya sa NY.
Hanggang ma-realize ni Carl na si Chrissy ang mukha ng family samantalang si Lena ang guts ng Duran family.
Si Lena rin ang dapat pasalamatan ni Carl dahil nag-reunite sila ng long lost father niya at the same time comes to terms with his forgotten identity, bilang anak at isang Filipino.
Ang pagbalik nil Carl ay nagsilbi sa kanyang awakening.
Ano kayang mararamdaman ngayon ni Carl kay Lena na tumulong sa kanya para mabuksan ang kanyang isip sa totoo niyang pagkatao at ang totoong pag-ibig?
Susundin kaya niya ang puso o papakasal siya sa sister ni Lena?
Let us wait and see sa Kailangan Kita na previously ay Ginataang Apoy dahil iikot ang kuwento nito sa gata at sili na pride ng Bicol region.
Aside from Aga and Claudine, also in the movie are Lisa Lorena, Cris Villanueva, Gardo Versoza under the direction of Rory Quintos for Star Cinema. The movie is set to kick off next month.
Feeling ng actor, wala namang masama sa closeness nila ni Yul.
In any case, instead na umalis siya sa December to spend Christmas sa kanyang family sa US, ang family niya ang darating sa bansa para sa kanilang family reunion. "Wala akong chance na magpunta sa States dahil nga sa Dekada 70 (entry to the Metro Manila Film Festival ng Star Cinema). So sila na lang ang pupunta rito," he said. Sa Boracay sila magri-reunion kasama ang buong pamilya. May kanya-kanyang contribution ang magkakapatid. "Excited na talaga ako. Parang hindi na ako makapaghintay."
First Christmas din ni Piolo ito na kasama sana ang anak na si Iñigo na matagal-tagal din niyang hindi nakita at nakasama. Pero malamang na hindi dahil may plano ang lolo ng bata (sa mother side) na dalhin si Iñigo sa States. Five years old na si Iñigo at nag-aaral na ito. And tuwing may freetime siya, sa bahay nila Iñigo siya nagi-stay para makasama ang anak. "Before, nakakapag-malling kami. Lately hindi na. Nagpi-play na lang kami at nagtuturuan ng assignments niya," he said.
Naga-attend din sila ng Mass na mag-ama. Wala naman siyang problema sa mother ng bata. Everytime na gusto niyang bisitahin ang bata, welcome siya sa bahay. "Yun nga ang maganda sa set up namin, very open kami."
In any case, although October pa lang nararamdaman na natin ang Pasko. Yung iba, nagsa-shopping na. Kaya naman nag-decide ang Star Cinema na ipalabas na ang 9 Mornings kahit October pa lang. Tungkol kasi ito sa Simbang Gabi na isang kaugalian nating mga Pilipino.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended





















