^

PSN Showbiz

Daboy en da misis, off to US

RATED A - Aster Amoyo -
Riot ang episode ng Daboy en Da Girl ngayong Huwebes (September 5) ng gabi sa GMA-7 dahil mamamanhikan na si Daboy (Rudy Fernandez) sa pamilya ni Girly (Rosanna Roces). Uuwi sa kanilang bahay sa Forbes Park ang ina ni Girly na naka-base sa Amerika para tanggapin ang pamamanhikan ni Daboy. Ang ina ni Girly ay ginagampanan ng komedyanteng si Elizabeth Ramsey. Tila pahihirapan ni Mama Ching (Elizabeth Ramsey) na ibigay ang kanyang basbas kay Daboy dahil sa naging past experience nito kay Daboy. Napagkamalan kasi ni Daboy na myembro ng isang sindikato si Mama Ching na nambibiktima sa pamamagitan ng pagkukunwaring kamag-anak ng biktima at pagkatapos ay hihingan ang biktima ng pera at mga valuable items. Hindi rin naniniwala si Daboy nang sabihin ni Mama Ching na siya ang ina ni Girly. Sa halip, dinala sa presinto ang pobreng si Mama Ching. Napaniwala lamang si Daboy na siya nga ang ina ni Girly nang si Girly mismo ang magkumpirma nito kay Daboy. Siyempre pa, hiyang-hiya si Daboy sa kanyang magiging biyenan. Paano ngayon magkakasundo sina Daboy at ang kanyang mother-in-law-to-be? Abangan ang nakakatuwang episode sa ganap na ika-9:00-10:30 n.g.

Ang Daboy en Da Girl na nasa kanyang ikalawang season na ay tinatampukan din nina Sunshine Dizon Jeffrey Quizon, Lolit Solis, Isko Salvador, Rochelle Pangilinan, Gene Padilla, K. Brosas, Caloy Alde at Robert Ortega.

And speaking of Daboy, umalis ito nung nakaraang Biyernes kasama ang kanyang misis na si Lorna Tolentino para sa isang engagement sa San Francisco, California. Mga apat na araw lamang mawawala ang mag-asawa dahil kailangan nilang bumalik kaagad dahil sa kanilang respective commitments dito. Bukod sa kanilang mga negosyo, may regular taping si LT para sa kanyang soap opera na Kay Tagal Kang Hinintay at si Daboy naman sa kanyang sitcom na Daboy en Da Girl. Malapit na rin nitong simulan ang bago niyang movie sa bakuran ng Maverick Films na muling ididirek ni Edgardo ‘Boy’ Vinarao.
* * *
Mukhang nagi-enjoy ang actress na si Carmina Villaroel sa kanyang bagong role bilang talk show host magmula nang siya’y mag-pinch hit kay Kris Aquino sa Morning Girls hanggang sa siya na rin ang tuluyang pumalit sa huli nang ito’y mag-quit sa programa dahil sa kanyang work load.

Last Monday morning, isang kakaibang (exclusive) interview ang ginawa ni Mina para sa kanilang Morning Girls show with Pops Fernandez and Zsazsa Padilla dahil siya mismo ang nag-interview sa kanyang live-in partner na si Zoren Legaspi kasama ang kanilang twin babies na sina Maverick at Cassandra sa playroom ng mga bata. Very candid ang nasabing interview na animo’y nagkukuwentuhan lang ang magsing-irog na ang tawagan ay ‘honey’. Habang wala namang pakialam sa paglalaro ang kanilang dalawang super-cute na mga anak.

Ngayong annulled na ang kasal ni Carmina sa dati nitong mister na si Rustom Padilla, malaya nang pakasalan ni Mina si Zoren.

Ang nakakatuwa pa rito kay Mina, kung kelan itong nakipaghiwalay kay Rustom at nagkaroon ng relasyon kay Zoren at magkaanak ay saka naman dinagsa ng trabaho ang aktres. Bukod sa pagiging talk show host, meron din siyang soap opera with Diether Ocampo, ang Recuerdo de Amor at may pelikula siyang sisimulan sa bakuran ng Regal Films kung saan niya makakabituin si Richard Gomez. At kapag may libre rin lamang panahon si Mina, she makes it a point na inilalaan niya ito sa kanyang pamilya.
* * *
"Jumbo Day" ang titulo ng bagong rap song ng sikat na Salbakuta at ito rin ang ginamit na titulo ng first movie ng presidential son na si Mikey Arroyo sa bakuran ng Viva Films na tinatampukan din nina Andrew E., Rufa Mae Quinto, Patricia Javier, Blakjak, Salbakuta at ang bagong ipinakikilalang sexy actress na si Jen Rosendahl.

Walang itulak-kabigin si Mikey sa kanyang mga co-stars sa pelikula laluna sa mga sexy stars na sina Rufa Mae at Patricia na parehong game sa mga eksenang ipinagagawa sa kanila ni Direk Al Tantay.

Ang Jumbo Day ay first movie bale ni Mikey matapos silang makasal ni Angela Montenegro-Arroyo last June 24. At ngayong may asawa na siya, maraming bagay ang nabago sa kanya. Iba nga naman ang buhay niya nung binata pa siya. Pero kung kelan may asawa na siya at malapit nang maging ama ay saka naman dagsa ang kanyang trabaho. Pero naiintindihan naman umano ito ng kanyang misis na si Angela na very supportive sa kanya.
* * *
Nakakaawa naman si Mommy Guapa, ang butihing ina ng singer-actress na si Isabel Granada na bumalik sa Spain na kimkim ang sama ng loob sa kanyang kaisa-isang anak na hindi man lamang nakipagkita at nakipag-usap sa kanya bago man lamang siya umalis nung nakaraang Huwebes.

Nang dahil sa pag-ibig, nagawa umano ni Isabel na lisanin at talikuran ang kanyang ina na kanyang karamay at kasa-kasama magmula nang siya’y isilang hanggang kanyang paglaki. Ulila na si Isabel sa ama kaya sila na lamang ng kanyang ina ang magkasama at nagdadamayan.

Ngayong nakuhang tikisin ni Isabel ang kanyang ina, wala na umanong balak si Mommy Guapa na bumalik pa ng Pilipinas. Bakit nga naman siya babalik dito kung wala na siyang anak na dapat balikan?

Bago umalis, sinisisi ni Mommy Guapa ang boyfriend ni Isabel na si Geryk Genasky na siyang dahilan para magbago ang kanyang anak at sumuway sa kanya bilang ina.

Pero sa kabila ng sama ng loob ng nararamdaman ni Mommy Guapa sa kanyang anak, hangad pa rin niya ang tagumpay at kaligayahan ni Isabel.
* * *
Naglalakihang litrato nina Ruffa Gutierrez at Tanya Garcia ang naka-display sa lahat ng parlor chain ng Ricky Ricky sa buong Metro Manila bilang mga image model ng Gandang Ricky Reyes. Bukod kay Ruffa, anak-anakan din ni Mother Ricky ang young actress na si Tanya na unti-unti na ring gumagawa ng pangalan lalupa’t malakas ang kanyang soap opera with Dingdong Dantes, ang Sana Ay Ikaw Na Nga. Dahil dito, unti-unti na rin siyang ‘niluluto’ ng Viva para gawing isang malaking bituin balang araw.

Si Tanya ay isa sa mga bituin ng pelikulang Jeannie, Bakit Ngayon Ka Lang? bilang ka-love triangle nina Robin Padilla at Judy Ann Santos na siyang mga pangunahing bituin ng pelikula.

vuukle comment

DA GIRL

DABOY

INA

KANYANG

KAY

MAMA CHING

MOMMY GUAPA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with