'Home Along Da Riber' muntik di mapasama sa 10 finalist ng MMFFP
- Veronica R. Samio () - September 4, 2002 - 12:00am
Napag-alaman ko mula sa isang mapagkakatiwalaang source na muntik na palang di mapasali sa 10 pelikula na pinili para maging finalists ng Metro Manila Film Festival Philippines ang Home Along Da Riber. Out of the 10 ay pipiliin ang pito na makakasali sa 2002 Pista ng Pelikulang Pilipino na sa kauna-unahang pagkakataon ay magaganap din sa Cebu at Davao. Magkakaroon din ng Parada ng mga Artista sa dalawang nasabing key cities sa Pilipinas na dadaluhan ng mga artista ng mapipiling pitong pelikula.

Ayon sa aking source, hindi totoo ang paniwala ng marami na basta FPJ at Dolphy ay walang dudang mapipili na. Katulad ng mga isinumiting pelikula, a Dolphy’s movie has to have the requirements and criteria na itinatalaga ng screening committee – 50% para sa ganda ng istorya, 30% para sa cast ng pelikula, kailangang malalaking artista ito at ang natitirang 20% ay para sa mga teknikong aspeto ng pelikula.

Bagaman malalaki ang artista ng Home Along Da Riber, na pinangungunahan nina Dolphy at Jolina Magdangal. Negatibo raw ang dating ng titulo at maging ng istorya ng pelikula. Hindi raw ito nagbibigay ng positibong aspeto at magandang Filipino value sapagkat sa halip na magsumikap, tila kontento na raw ang mga characters na manirahan sa tabing ilog kundi man sa riles ng tren.

Idinagdag pa ng aking source na mahihirapang pumili ang screening committee ng pitong pelikula mula sa 10 finalists since mabibigat ang mga artista ng mga pelikula (FPJ, Dolphy, Vilma, Bong, Daboy to name a few) at magaganda naman ang istorya.
*****
Kailangan Kita ang titulo ng pelikulang ginagawa ngayon nina Aga Muhlach at Claudine Barretto. Si Piolo Pascual ang aawit ng movie theme song na isang komposisyon ni Ogie Alcasid. Nakatakdang mapanood ang movie sa buwan ng November.
*****
Nagtataka si Ruffa Gutierrez kung bakit napakaraming balita ang naglalabasan na inaalok daw siya ng GMA7 ng isang kontrabida role sa bago nitong teleserye.

Oo, interesado ang malaking network na kunin ang kanyang serbisyo pero bilang bida. At kahit na malalaking artista pa ang makakasama niya sa nasabing bagong palabas, still bida pa rin ang role niya.

Ano kaya ang motibo ng mga nagpapakalat ng di tamang balita kay Ruffa? Kayo, ano sa palagay nyo?

AGA MUHLACH CLAUDINE BARRETTO DOLPHY HOME ALONG DA RIBER JOLINA MAGDANGAL KAILANGAN KITA METRO MANILA FILM FESTIVAL PHILIPPINES PELIKULA
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with