^

PSN Showbiz

Beth kukuha ng Master's Degree

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Sakit ng ulo ang sikat na young actress na ito noon lalo na pagdating sa propesyonalismo. Halos lahat na yata ng dahilan ay naibigay na nito gaya ng pagkakasakit. Sa madaling salita may attitude problem ito.

Ayon sa aking source ay biglang nagbago ang aktres at ngayon ay maaga na kung mag-report sa set at hindi na sakit ng ulo ng direktor.

Ang dahilan pala ay nakarinig ito ng bulung-bulungan na kapag hindi pa siya nagbago ay baka patayin na ang karakter niya sa soap opera na nilalabasan niya. Natakot tuloy siya!

Ang sikat na aktres ay versatile dahil pwede itong bida at pwede rin maging kontrabida.
Beth, Kukuha Ng Master’s Degree
Tapos si Beth Tamayo ng Mass Communications sa Dominican College. Bukod sa pag-aartista ay gusto rin nitong maging isang sikat na broadcaster at sundan ang yapak ng idolong si Korina Sanchez. May fallback siya sakaling hindi na aktibo sa kanyang showbiz career.

Ayon sa magandang aktres ay gusto niyang kumuha ng master’s degree sa kursong nauukol sa communications. Hinihintay pa rin nito si Mr. Right sa kanyang buhay at sinabing 10 years from now at baka may sarili na itong pamilya at masayang namumuhay sa piling ng asawa at mga anak.

Visible pa rin si Beth sa mga TV appearances lalo na sa mga talk shows at naghihintay na lamang ng tamang proyekto.
Angelica J., Abala Sa TV Appearances


Kahit hindi pa naipalalabas ang pelikulang Alyas John Doe ay abala naman ngayon sa kanyang mga TV guesting si Angelica Jones.

Katunayan, madalas itong maging guest sa Idol Ko Si Kap at kamakailan ay panauhin ito sa Daddy Di, Do, Du, kapareha si Tirso Cruz III.

Bagamat may mga offer ito para sa mga sexy movies ay tinatanggihan ito ng magandang aktres dahil hindi siya handang lumabas sa mga pelikulang may daring scenes.

Abala rin si Angelica sa mga out-of-town shows.
Bryan, Suportado Ng Talent Center
Nasa Tanging Yaman (The Series) na ang guwapong batang si Bryan Homecillo. Ginagampanan nito ang papel na anak ni Cherrie Pie Picache at Jestoni Alarcon. Lumabas din ito sa teleseryeng Ang Iibigin Ko’y Ikaw bilang batang AJ Eigenmann.

Isa rin sa bida ng pelikulang Munting Tinig si Bryan na tinatampukan ni Alessandra de Rossi at ilalaban sa Toronto Film Festival.

Nahasa na sa akting si Bryan dahil bata pa ay lumalabas na ito sa pelikula at stageplay. Sa murang edad ay nakakapagmemorya na ito ng mahahabang linya kaya nang gawin nila ang isang pelikula ni Cesar Montano kung saan ginampanan nito ang papel na anak niya ay humanga sa kanya ang direktor na si Marilou Diaz Abaya. Dahil sa potensyal ni Bryan ay sinusuportahan siya ng Talent Center lalo na ngayong malapit na itong mag-binatilyo.

Grade 5 sa La Salle Greenhills si Bryan. Mataas pa rin ang gradong nakukuha niya kahit aktibo sa extra-curricular activities gaya ng Munggawit Glee Club dahil magaling din itong umawit.

Naging mainstay ng Cine Eskwela si Bryan at alagang-alaga ng Dos kaya hindi nababakante sa pelikula at TV appearances.
Willie, Hinarang Sa MTB?
Gaano kaya katotoo ang balitang may humarang na mga dating kasamahan sa Magandang Tanghali Bayan sa nagbabalik-Dos na si Willie Revillame. Ibinalik na kasi ang segment na "Pera o Bayong" at ang orihinal na host dito ay ang komedyante. Natatakot kaya sila na baka kung natuloy ang pagbabalik-programa ni Willie ay masasapawan sila?

Natutuwa kami at muling tinanggap ng Dos si Willie kung saan nagsimula itong maging guest sa iba’t ibang programa gaya ng Morning Girls hanggang bigyan ng sariling show tulad ng Wish Ko Lang sa GMA 7. Natural naman ang pagpapatawa ng komedyante kaya lang huwag na niyang haluan ng kabastusan. Nagkaroon na ng leksyon si Willie tungkol dito nang matsugi ito sa MTB noon at kaya naapektuhan din ang aspetong pang pinansyal ng aktor.
‘Acoustic Night’ Ni Aiza, Inaabangan Na
Magkakaroon ng concert si Aiza Seguerra kasama si Norman Michell sa Downtown Rembrandt ngayong Biyernes, 9:30 ng gabi. Pinamagatang Acoustic Night makakasama rin sina Melvyn Dizon sa kanyang boses na ala-Martin Nievera at ang magandang co-host ni Kuya Germs sa Master Showman na si Sharmaine Santiago. Baka maging special guest ang Boyfriends kung saan magpaparinig sila ng ilang mga awiting pinasikat nila noon.

Ang mga sponsors ng show ay ang mga sumusunod: MMG Films, Ellen Lising Skin Care & Permanent Cosmetics Corp., Access Training & Consultancy Center, Jun Encarnacion Hair Salon & Straightening Center at Soroptimist International (Dasma-Salcedo Club).

vuukle comment

ABALA SA

ACCESS TRAINING

ACOUSTIC NIGHT

AIZA SEGUERRA

CENTER

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with