^

PSN Showbiz

'Click' nangungunang teen barkada

-
Marami nang teen-oriented shows ang sumubok pero sumuko rin at tuluyang naglaho. Pero may isang show na namamayagpag pa rin sa ere at patuloy na humahataw sa ratings. Ito ang Click ng GMA, ang walang dudang nangungunang teen-oriented program — patunay na Click ang paboritong barkada sa TV ngayon.

Ano kaya ang sikreto ng nasabing programa? Bakit nga ba Click ito sa mga manood?

Ang Click ay umiikot sa isang grupo ng kabataan. Sa pamamagitan ng makukulay na "teenage characters," makatotohanang inilalarawan ng programa ang mga problema at saya ng "teen life." Pero higit sa makatotohanang kwento at pagganap, ang Click ay inspirasyon sa kabataan dahil sa positibong diskarte ng barkada sa buhay.

Patok din ang kwelang TV barkada dahil tunay ang kanilang samahan. Sa harap at likod ng camera, kitang-kita ang tunay na pagkakaibigan ng cast members.

Kilalanin ng lubusan ang number one teen barkada nina Danica Sotto, Alessandra de Rossi, Chynna Ortaleza, Tricia Roman, Sherwin Ordoñez, Karen delos Reyes, Railey Valeroso, Angel Locsin, Richard Gutierrez, AJ Eigenmann, Bryan Revilla at Dyan Delfin sa Click, alas 4:30 n.h. tuwing Sabado, kasunod ng Wish Ko Lang sa GMA.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BRYAN REVILLA

CHYNNA ORTALEZA

DANICA SOTTO

DYAN DELFIN

PERO

RAILEY VALEROSO

RICHARD GUTIERREZ

SHERWIN ORDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with