^

PSN Showbiz

Carlos, crush ang sister ni Bong R.

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Next month ang opening ng Foot Trip nina Kris Aquino and Carlos Agassi. You read it right folks. Business partner ang dalawa sa isang foot spa sa may ABS-CBN loop. Kaya tuloy may mga nag-iisip na baka sila na nga ni Kris kahit na nga sinasabing going strong ang relationship nila ni Joey Marquez. "Kung nakikita n’yo man kaming parating magkasama sa dinner, nag-uusap lang kami dahil mago-open na nga kami next month," he said in a chance interview.

Actually, matagal din silang nag-isip bago nakapag-decide na foot spa ang i-put up nilang business.

Bukod sa kanilang pagiging business partner, bestfriend din sila to the extent na nang matalo siya sa Game KNB, the following day, pinadalhan siya ni Kris ng Prada bracelet na very seldom niyang gamitin.

Alam din ni Carlos lahat ng secret ni Kris. Pero kahit anong tanong kung anong status ng relationship nina Kris at Joey, ayaw magsalita ni Carlos, as in ngiti lang ang sagot niya. "Pag may problema siya, nagti-text siya sa akin. Actually, siya talaga ang bestfriend ko. Kasi pag may problema ako, siya rin ang kinakausap ko," he revealed.

Besides, hindi siya puwedeng main-love kay Kris dahil ang sister ni Bong Revilla na si Dianne na nag-debut last week ang crush niya. "Hindi ko pa siya nami-meet ng personal," medyo natatawang kuwento ng rapper/actor.

Invited naman siya sa debut ni Dianne - he was invited by Andrea, rumored girlfriend ni Diether Ocampo, pero hindi siya nag-attend dahil "kailangan pa kasing mag-formal. Saka parang nakakahiya."

Anyway, hanggang ngayon, hindi pa rin tapos ang issue sa kanila ng former manager/discoverer niyang si Rapi Revilla. Kaya nga last June 10, isang letter ang pinadala ng lawyer niya kay Mr. Revilla ng A One Entertainment Production.

Ang lawyer niyang si Atty. Michael A.M.Del Rosario ang nagpadala ng sulat bilang reponse sa letter ni Mr. Revilla kay Carlos a.k.a Amir Carlos Al-Hanaki kung saan nagdi-demand ito ng 20% commission dahil daw co-manager siya ng ABS-CBN Talent Center kay Carlos.

Ilan sa hinihingian ng commission ni Rapi ay ang US concert, three shows last December 2001, Shakeys commercial, Coke, Dekada ‘70 at commission sa talent fee ni Carlos sa ABS-CBN. Pero ayon sa lawyer ni Carlos, wala ng karapatan si Rapi dahil nag-expired ang contract niya (Rapi) as co-manager sa ABS-CBN Talent Center last February 4, 2002 at ang hinihingi niya raw commission sa sinasabing concert ay last March kaya paano siya maghahabol. At lahat ng iba pang sinasabi ni Rapi ay na-execute after February 4.

Actually, nang mag-usap naman daw sila after ng termination ng contract, wala nang problema si Carlos. Kaya lang medyo naba-bother sila dahil most of the time, nagko-commit si Rapi ng shows for Carlos ng hindi alam ng actor. "So ang nangyayari, hindi ko pupuntahan dahil hindi ko alam. Sa akin nagri-reflect ang sisi.

"Tapos nagkaroon sila ng beauty pageant, hindi sila nagbayad sa mga tao. So ang tendency, laging kasama ang pangalan ko," he explained.

Pero instead na mag-worry pa, ibinigay na niya sa lawyer ang problema kay Rapi.

Naka-concentrate siya sa preparation ng foot spa nila ni Kris at sa bubuksan niyang Dickies store sa Alabang Town Center bukod pa sa shooting ng Dekada ‘70.
*****
Impressed ang karamihang entertainment press kay Maui Taylor dahil sa pagiging articulate ng bagong bold actress. Marunong kasi siyang sumagot, may breeding at okey kausap. Galing kasi siya sa disenteng pamilya at second year college sa isang foreign school sa Makati.

Kaya lang, gusto talaga niyang mag-artista since bata siya, kaya kahit ayaw ng parents niya, pumirma siya ng contract sa Viva Films. "Kesa naman mag-sign siya ng contract ng hindi namin alam, pumayag na lang kami," sabi ng mom ni Maui na regular na kasama ng bagong sexy actress.

Ilo-launch via Gamitan si Maui with Wendell Ramos and Rexona boy, Jordan Hermogenes.

The movie which opens on August 21 is also the first directorial job of Quark Henares, a graduate of filmmaking sa prestigious na New York University (NYU). Si Quark ay anak ni Atom Henares ng NU 107 at Dr. Vicky Belo.

Ang Gamitan ay ginawa sa tradition ng ibang psychological sex-dramas tulad ng Lipstick, Silver at Basic Instinct.

In any case, si Maui ang sinasabing "Hot Babe ng Bayan" who recently landed on the top ten on FHM Magazine’s list of 100 Sexiest Women na kino-consider ng Viva na isang malaking advantage ng launching movie niya.

vuukle comment

CARLOS

DAHIL

KAYA

MAUI

MR. REVILLA

NIYA

RAPI

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with