Bagong bituin sa pag-awit
July 7, 2002 | 12:00am
Anumang tagumpay na tinatamasa ni Vanessa Carlton sa kasalukuyan ay nakamit niya sa pagtitiyaga. Natatandaan pa niya na maraming nangyaring di kanais-nais para makagawa siya ng demo tape.
Pero, siya ngayon ay nasa bingit ng pagiging isang global artist sa pamamagitan ng kanyang signature song, "A Thousand Miles", mula sa debut album na may pamagat "Bet Not Nobody" sa ilalim ng MCA Universal Music. Ito ay nangunguna sa music charts. Ang music video ng awiting "A Thousand Miles" ay isa sa mga pinaka-paborito ng mga fans ng MTV channel.
Si Vanessa ay ipinanganak at lumaki sa Milford, Pennsylvania. Simula sa pagkabata ay mahilig na siya sa musika. Di ito nakapagtataka dahil ang kanyang ina ay isang music teacher. Ang ina nito ang nagturo sa kanyang tumugtog ng piano.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended























