^

PSN Showbiz

Starlet ang bagong bf ng anak ni Gob

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Hindi nagustuhan ni Johnny Manahan, Vice President for Talent Development and Management Center, ang pagkakadawit ng kanyang pangalan na may kinalaman sa mga naglalabasang negative write-up kay Jolina at Jun Magdangal. Nakarating sa kaalaman ni Mr. Manahan na may ilang mga balita na ibinibintang sa kanyang kampo ang mga issue tungkol sa mag-ama.

"It’s unfair," says Mr. Manahan. "During the time Jolina was still with us, all their demands, even unreasonable, ibinigay namin. I treated her like my real daughter."

First time na nagpahayag si Mr. Manahan ng kanyang sentiments dahil na rin sa walang tigil na pagkakasangkot ng kanyang pangalan sa isyu tungkol kay Jolina.

Sabi ng isang Talent Center staff bilang pagtatanggol sa kanilang boss, "Si Mr. M na yata ang pinakamalawak ang isip pagdating sa pag-handle ng talents. He only wants the best para sa kanyang mga artista. Kaya ngayong nada-drag ang pangalan niya, talagang unfair yun. He treated Jolina like his own daughter kaya it’s understandable na masaktan siya. Isa pa, we don’t play dirty."

Dagdag pa ng Talent Center staff, "Maganda ang paghihiwalay ng landas nina Mr. M and mag-amang Jolina at Jun Magdangal at hindi tulad ng mga nabalitang iringan ng magkabilang kampo. Nang ipadala ni Jolina ang kanyang sulat last May 3 (informing Mr. M na hindi na siya magri-renew ng contract with Talent Center), naging maganda ang reply ng Talent Center big boss."

In the spirit of fairness, bukas po ang kolum na ito sa anumang reaksyon mula kay Daddy Jun o Jolina.
*****
Puspusan ang paghahanda ng production staff ng bagong soap opera ng Dos na Kay Tagal Kang Hinintay kung saan bida si Lorna Tolentino. Bago pa man umikot ang kamera sa kanilang first taping day ay on-going ang workshops ng buong cast at mismong si Direk Olive Lamasan at Direk Lauren Dyogi ang nag-handle ng nasabing workshop.

At hindi pa man natin alam ang magiging takbo ng istorya ng Kay Tagal... ay marami na ang nag-aabang dahil this is the comeback television appearance ni Lorna.

Siguradong magkakaroon ng comparison ito sa ibang soap ng Dos.
*****
Isang anak ng dating governor mula sa North province ang nakitang kasama ang isang bold starlet sa isang show sa kanilang lugar. Nagulat ang ilang mga tagaroon dahil obvious na ang starlet ang bagong apple of the eye ng binata. Sobra raw ang "PDA" (public display of affection) na kahit mga kamag-anak ng binata ay nakita ang lambingan ng dalawa. Mistulang walang pakialam sa madla ang bagong mag-sweetheart at patuloy ang lampungan.

Akala pa nga ng mga nagsidalo ay magpi-perform ang starlet, yun pala ay personal guest at kasamang naupo sa harapan ng binata sa show. Matatandaan na dating na-link ang binata sa young actress na may dalawa ng anak.
*****
For your comments and feedback, you can e-mail at [email protected].

vuukle comment

CENTER

DADDY JUN

DIREK

JOLINA

JUN MAGDANGAL

MR. M

MR. MANAHAN

TALENT CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with