^

PSN Showbiz

Dating child actor lulong na sa droga

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Lulong na raw sa shabu ang isang dating child actor. Pero ang the height daw dito, binabarat niya ang mga nagbebenta sa kanya hoping na patatawarin siya ng mga binibilhan niya.

May pera naman daw ang actor na ito kaya lang nagtataka ang mga binibilhan niya kung bakit ayaw maglabas ng pera. Minsan nga raw worth P100 lang ang binibili nito. Almost everyday daw ito sa isang lugar sa Kamaynilaan kung saan talamak ang bentahan ng droga.
*****
Agree ako sa sinasabi ni Ms. Ethel Ramos na kung lahat ng malalaking artista ay mapapanood na sa TV, paano na ang industriya ng pelikula? Actually, kung lahat ng big stars ay may teledrama na parang pelikula ang quality, tatamarin nang lumabas ang mga tao para manood ng sine. Sa loob nga naman ng bahay, hindi ka na gagastos, nakahiga ka pa, lahat pa kayo makakapanood, tapos iwas dukot, snatch or hold-up pa.

Ang disadvatage lang, hindi mo masyadong ma-appreciate ang pinapanood mo dahil maliit lang ang screen na pinapanooran mo. Kakaunti naman sa atin ang may home theater. Pero hindi mo na kasi iisipin kung okey ‘yung TV na pinapanooran mo. Ang importante, may napapanood kang libre.

Napagkuwentuhan namin ang tungkol dito sa birthday treat ni Isah Red sa bagong restaurant sa Tomas Morato na na-discover namin, Teriyaki Boy. Panay kasi ang recommend ni Ms. Dolor Gueverra sa nasabing newly opened na establishment. So sinubukan namin. Grabe ang sarap ng food tapos mura pa. Affordable ang price - ang mga sashimi, teriyaki tapos mabilis pa ang service.

Anyway, going back to Isah’s birthday treat kasama namin sina Tita Ethel, Ms. June Rufino with daughter Roberta, Ian Fariñas and Shirley Kuan, marami kaming napag-tsismisan. Marami pa pala tayong hindi alam tungkol sa totoong rason ng break-up nina Claudine Barretto at Rico Yan, pero siyempre lahat off-the-record. Kawawa naman kasi ang soul ni Rico kung hindi titigilan ang usapan tungkol dito.
*****
Look-alike ng mga boldstar ang karamihan sa female official candidate sa Mossimo Bikini Summit (The Boracay Bikini Championship at the Pearl of the Pacific) na nagkaroon ng press presentation last Monday night sa The Pearl Manila Hotel.

May kamukha si Daisy Reyes, si Aya Medel, Wilma Doesn’t among others. Say nga ni Eugene Asis na bukod sa pagiging entertainment editor ng People’s Journal ay director din ng pelikula, ay puwedeng-puwedeng boldstar ang iba sa kanila.

Sa male category, may mga puwede namang action star dahil matatangkad sila at maganda ang katawan.

Lahat college student ang kasali sa nasabing bikini summit na pinili sa kung ilang hundreds na nagpa-screen para makasali. Nagkaroon ng elimination round held at four different venues - Hard Rock Cafe, 8th Day, Famous Mikes and Culture Club.

Ilan sa mga finalist sina Zarah Jane Gomez and Edilyn Santillan.

Ang former Binibining Pilipinas-Universe na si Nina Ricci Alagao ang nag-host ng press presentation. Makakasama niya sa final night sina Manny Distor with Filipino-Australia ramp and commercial model Geoffrey Briz sa April 20 at the beachfront of Pearl of the Pacific Resort in Boracay. The candidates will compete on the ramp wearing the latest swimwear collection ng Mossimo and bikinis and accessories exclusively designed by Edwin Uy.

Ang mananalo ay tatanggap ng cash prizes at one year contract sa Viva Films.
*****
Personal palang pinamamahalaan ni Anna Dizon ang mga negosyo niya partikular na ang piggery sa Nueva Ecija. Personal as in siya mismo ang nagpapaligo sa mga baboy at personal na naglilinis ng kanilang kuwadra. You read it right folks. Kung dito sa Maynila, pa-promote-promote siya ng album niya at pa-guest-guest sa TV, pagdating sa probinsiya wala siyang kaayos-ayos habang naka-boots ng goma at nagpapaligo ng mga baboy. "Mas napi-feel ko ‘yung kasiyahan dahil alam kong galing ‘yun sa aking pawis. Saka iba ang fulfillment pag ginagawa ko ‘yun," she said.

Bukod sa ganoong bagay, hindi pa rin nalilimutan ng Millennium Diva ang tulungan ang kanyang mga kababayan sa lugar na kanyang kinagisnan, ang Balintawak, QC. Kelan lang ay may nasunugang pamilya sa nasabing lugar, at maniwala kayo’t sa hindi, pinatayuan niya ng sariling bahay ang nasabing pamilya para may masilungan. "Iba kasi ang nasunugan. Di ba may kasabihan nga na mas maigi pang nakawan ka kesa masunugan. Kasi pag nasunugan ka, walang matitira sa ‘yo. Back to zero ka uli, samantalang kung ninakawan ka may natitira pa," she said.

Sa Balintawak kasi lumaki si Anna kaya malapit na malapit sa puso niya ang nasabing lugar. Kaya naman tuwing malalaman niya na may nangangailangan ng tulong kahit nga kinikilala na siyang Singing Star of the New Millennium, lagi pa rin siyang naka-ready na magbigay ng tulong.

Kaya naman nararamdaman niya na magaan din ang pasok ng pera sa kanya lalo na sa kanyang mga negosyo dahil ang katuwiran niya kung tumutulong ka sa tao, madali rin ang biyaya. In fact, lahat ng negosyong pasukin niya, wala pang nalugi o nagsara.

Comment tuloy ng iba, bihira na ang katulad niya na sa kabila ng kanyang achievement bilang singer at negosyante, hindi pa rin niya nalilimutan kung ano siya. Ito siguro ang matatawag na kabilang mukha ni Anna Dizon.

ANNA DIZON

AYA MEDEL

BINIBINING PILIPINAS-UNIVERSE

BORACAY BIKINI CHAMPIONSHIP

CLAUDINE BARRETTO

KUNG

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with