^

PSN Showbiz

Rica, ayaw maging kontrabida!

- Veronica R. Samio -
Kung hindi pa nagpaimbita si Jun Peña, isa sa may-ari ng BaSSilica Bar and Cafe na matatagpuan sa 1855 Pilar Hidalgo Lim St., cor Remedios para sa kanilang gaganaping 3rd anniversary sa May 14, hindi ko pa makikilala ang 10 sa 12 na pinaka-magagaling na stand up comedians ng bansa na sa entertainment place na ito naka-base. Sina Ate Gay, Boyette, Clifford, ER, Inday Garutay, Nonoy, Patricia Ismael, Romel, Rubi Rubi at Tetay.

Sa 10, iisa lamang ang talagang kilala ko at nakita ko nang mag-perform, si Inday Garutay na matagumpay na nagagaya ang Reyna ng Intriga na si Inday Badiday. Yung 9 first time ko lang nakita although matagal ko nang naririnig ang mga pangalan nila.

Kausap pa lamang namin sila ng ilang entertainment writers ay enjoy na kami dahil masasaya silang kausap, full of wit at napaka-articulate. Di mo aasahan sa mga katulad nila na bukod sa nagpapatawa na ay nagpapakanta lamang ng audience. Kaya naman may ilang mine-menos sila pero hindi nila pinapatulan at sa halip ay inilalagay nila ang mga ito sa kanilang dapat kalagyan. Tulad ng isang gobernador ng isang malaking samahan na napahiya nang hindi nila pinatulan ang pambabastos nito at sa halip ay sinabi nila dito kung sino at ano sila at kung ano ang ibinibigay ng kanilang gawain.

Most of them are college graduates, graduate ng malalaking kolehiyo o unibersidad. Gaya ni Tetay na flawless at Inglisera. Si Rubi Rubi na naging malaking tao na sa advertising bago pumasok sa kanyang kasalukuyang gawain. Si Patricia na gumagawa na ng pangalan sa TV ay graduate din ng MassCom at unang nagtrabaho behind the cameras. Si Ate Gay ay nagsimula bilang Nora Aunor look and sound alike pero ngayon ay naka-develop na rin ng kanyang sariling istilo pero, patok pa rin siya kapag ginagaya ang Superstar.

Marami pa ring sound alike sa grupo. Gaya ni Boyette na gayang-gaya si Renz Verano. Si Clifford na dating taga-That’s Entertainment ay kuhang-kuha si Rufa Mae Quinto. Kuh Ledesma naman si ER.

Martin Nievera
naman ang drama ni Nonoy na ang buhay ay naisadula na sa Maalaala Mo Kaya na mahusay na ginampanan ni Keempee de Leon. College graduate din si Romel na bukod sa nakapag-abroad na ay nakakalabas na rin sa pelikula. Napanood siya sa Hubog ng magkapatid na De Rossi.

Si Rubi Rubi na parang baklang babae ay nagtrabaho sa DTI at kasalukuyang entertainment director ng BaSSilica.

Buong isang linggo ay nag-aalternate silang magbigay ng kasiyahan sa mga suki ng BaSSilica na minsan isang buwan ay nagbibigay ng mga special shows. Ngayong Abril, tampok si Dessa sa Abril 14 .

Kung basta-basta lamang na empleyado ay mapapahiya sa kanila sapagkat bukod sa may magaganda silang sasakyan, ang pinaka-maliit na suweldo nila ay hindi bababa ng P50,000 kada buwan.

Sa Mayo 14, pasyalan n’yo ang BaSSilica at tingnan kung bakit ito itinuturing na The entertainment place pagdating sa mga stand up comedies and sing-along. Mapapanood ang 12 nilang homegrown comics na dinudumog ng mga manonood gabi-gabi.
*****
Hindi rin pumayag si Rica Peralejo na mapasama sa isang teleserye ng GMA.

Hindi pa raw siya nakahandang maging kontrabida.

Ayon sa kanyang ina ay marami pa namang offer ang anak na role ng bida, so bakit pa sila tatanggap ng kontrabida role?

They have nothing against those who play kontrabidas pero, naniniwala raw sila na mahihirapan nang mag-bidang muli si Rica once na mag-kontrabida ito.

vuukle comment

ATE GAY

BAR AND CAFE

BOYETTE

CLIFFORD

DE ROSSI

GAYA

INDAY GARUTAY

RUBI RUBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with