^

PSN Showbiz

Priscilla magbabalik- showbiz

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Ayon sa PRO ng Dyna Records, magbabalik-bayan si Priscilla Almeda ngayong buwan para ipagpatuloy ang kanyang career.

Matagal-tagal din ang pananatili sa Amerika ng aktres matapos manganak.

Magiging abala siya sa promosyon ng kanyang debut album under Dyna.

Huling napanood sa Batang Westside si Priscilla pero gusto pa ring ipagpatuloy ang movie career kaya lang prioridad na siyempre ang kanyang baby.

Nang huli kaming magkausap ng aktres, sinabi niyang gusto na niyang makawala sa sexy image.
Bumabawi Si Sunshine D.
Kung na-late si Sunshine Dizon sa story conference ng soap operang Kung Mawawala Ka ay bumawi naman siya sa unang araw ng taping nito. Magkahalong saya, kaba at takot ang naramdaman ng young actress nang gumiling ang kamera dahil matagal-tagal na rin siyang nawala sa Ikaw Lang Ang Mamahalin.

Laging maaga kung dumating ngayon sa set si Sunshine dahil ayaw na niyang masabihang unprofessional lalo na at ang direktor ay ang magaling na si Joel Lamangan.
Rita, Balik-Seiko
May gagawing pelikula sa Seiko Films si Rita Avila titled Bakat na tatampukan ni Diana Zubiri. Ito’y sa direksyon ni Jun Posadas na ilang beses nang nakatrabaho ng aktres. Bilib ang direktor sa galing umarte ni Rita kaya kinuha niya rin ang serbisyo nito para makasama sa pelikulang Mana sa Ina ng Regent Films.

Nag-audition din si Rita sa isang pelikula for international release at umaasa siya na sana’y makapasa siya.
Aya, May Show Sa Japan
Aalis patungong Japan si Aya Medel. May show siya at isang linggo siyang mamalagi roon. Kailangan din niyang mamahinga kahit sandali lang dahil sa sunud-sunod na pelikulang ginawa niya. Kumita naman ang Eva... Lason Kay Adan at tapos na rin niya ang dalawang proyekto sa El Niño Films titled Bukambibig at Iyo’t Akin, Iisa katambal si Francis Enriquez. Dahil laging magkasama ang dalawa ay tipong nade-develop ang sexy actor kay Aya.

Sa kabilang banda, nalaman namin na isang mabuting anak si Aya dahil bago siya pumunta ng Japan ay ibinigay niya ang kalahati ng TF sa kanyang ina para mayroong magastos sa pang-araw araw na pangangailangan. Siya rin ang tumatayong breadwinner ng pamilya.
Paolo, Gusto Na Ring Mag-Asawa
Kamakailan ay nagdiwang ng kanyang kaarawan ang TV host na si Paolo Bediones at ang wish niya ay matagpuan na ang ideal girl dahil nasa tamang edad na siya para mag-asawa. Nanghihinayang nga siya dahil may boyfriend na si Miriam Quiambao na itinutukso sa kanya. Maraming nagsasabing bagay na bagay silang dalawa.Sey nga ni Paolo ay na kay Miriam ang lahat ng katangiang hinahanap niya sa isang babae. Kaso boyfriend na nito si Hans Montenegro.

Suwerte ang babaing mamahalin ni Paolo dahil bukod sa nabibilang siya sa iginagalang na angkan ay mabait rin ang TV host at mapagmahal pa.
"Sis", May Bagong Bahay
Mula sa magarang tahanan ay sa GMA studio na ginagawa araw-araw ang Sis.

Ayon sa associate producer na si Louie Calo ay nakaka-one season na ang programa ng magkapatid at tumaas pa ang rating nito. Araw-araw ay maraming fan mails ang natatanggap ng Syete na pumupuri sa magkapatid bilang magaling na host. Na-touched nga kami sa pagbabahagi ng malulungkot na karanasan nina Darius Razon, Klaudia Koronel, Marissa Sanchez, Christopher Roxas sa episode na "Ang Buhay ay Parang Telenobela" na ang mensahe ay kung paano maging matatag ang isang tao sa gitna ng pagsubok.
Jolo, May Bagong Crush
Mainstay na rin ng Idol Ko Si Kap, si Aiza Marquez. Ngayon, balitang matindi ang crush ni Jolo Revilla na mainstay ng nasabing sitcom. Madalas nitong tinatawagan at tini-text si Aiza. Pero kapag magkaharap na ang dalawa ay nahihiya naman si Jolo. Boto naman si Bong sa dalagita kaya lang palagi ang pangaral nito sa anak na magtapos muna ng pag-aaral bago mag-gf.
Blind Item: Magaling Sa Kama Ang Sikat Na Young Actor
Ang magaling at sikat na young actor ay nagkaroon ng kaugnayan sa isang sikat na aktres na pambato ng isang kompanya. Nagkatambal din ang dalawa sa isang pelikula na siyang naging daan para magkaroon sila ng relasyon.

Nakukuha ng seksing aktres na tumakas sa kanyang asawa para lang makipagkita sa young actor kapag tapos na ang syuting. At isa isang nearby town sila nagniniig sa buong magdamag.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin malimutan ng seksing aktres ang aktor dahil magaling pala ito sa kama at eksperto ito sa iba’t-ibang paraan ng pagpapaligaya sa isang babae.

Ngayon ay nagbabalik-sigla ang career ng aktor.

vuukle comment

AIZA MARQUEZ

ANG BUHAY

AYA

BORDER

CENTER

DAHIL

ISANG

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with