^

PSN Showbiz

Stefano, palaaway!

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Sa mga nakaraang araw, nabalita sa mga pahayagan ang pambubugbog diumano ni Stefano Mori sa isang estudyante sa ABS-CBN Distance Learning Center. Agad siyang inireklamo kaya muling naging kontrobersyal ang batang binata.

Aware ang mga nasangkot sa nasabing away na hindi ito nila pare-parehong ginusto. Walang gustong mapaaway at masaktan sa nangyari. Malamang na nanaig lamang kay Stefano ang init ng ulo para maipagtanggol ang kanyang kaibigan. Para sa kanya, hindi na niya nagawang isipin pa ang sasabihin ng iba basta ang importante ay ipaglaban ang inaping kaibigan.

Hindi ito ipinagwalang bahala ng Vice President for Talent Center na si Johnny Manahan. Kinausap niya ang teen actor at pinagsabihan na parang tunay na anak. Masinsinan ang nangyaring pag-uusap kasama ang mother na si Tita Lulu Mori. Humingi naman ng paumanhin si Stefano at nangakong hindi na ito mauulit. Kasalukuyan pa ring Talent Center contract artist si Stefano kaya naman ganun na lamang ang pag-aalala sa kanya.

Aminado ang magulang ni Stefano na hindi nila gusto ang nangyari at gusto nilang maayos ang lahat sa lalong madaling panahon.

Ngayon ay may image si Stefano na pala-away pero tiyak kami na hindi niya pinagsisihan ang ginawa niya dahil pinatunayan lamang niya ang kanyang pagiging isang tunay na kaibigan.
* * *
Malakas pala talaga ang appeal kay Amy Perez ng mga magagaling kumanta. Sa isang segment ng Magandang Tanghali Bayan na "Star Quest", tinutukso si Amy ng kanyang mga kasamang host sa isang contestant na nakakuha rin ng atensyon ng marami. Nakakatuwa dahil crush pala ni Amy si Divo Bayer na nanalo na ng ilang araw sa nasabing segment. Biro pa nga ng TV host on air, "Bakit parang in-love na naman ako sa isang singer?"

Maraming magagaling at mga potential recording artist ang sumasali sa "Star Quest" pero si Divo ang napansin naming may star quality. Bukod sa kanyang kagwapuhan, maganda ang kanyang rendition ng kanyang winning piece at talagang may stage presence. Si Divo ay isang band singer at siya ngayon ang bagong inaabangan ng mga viewers.

Sa una pa lang pagkakapanalo ni Divo, dumagsa ang mga tao sa MTB studio para personal siyang makita. Pati ang crew ng TV Patrol ay ini-interview siya para sa isang feature. Inulan din ng tawag ang Talent Coordinator ng MTB na si Freddie Bautista mula sa mga talent managers na interesadong kunin ang binata para i-manage. Sa ngayon, hindi pa pwedeng i-entertain ni Divo ang mga offers dahil kasalukuyan pa siyang contestant sa MTB.
* * *
May mga nag-e-mail sa akin at nagtatanong kung totoong si Jericho Rosales ang dahilan kung bakit nagkagalit noon si Kristine Hermosa at kanyang ina. Dati kasi ay nabalitang nagkaroon ng away ang dalawa dahil against daw ang ina kay Jericho. Bilang kasagutan, noon pa man ay hindi naging magkagalit ang mag-ina. Mayroon sigurong pagkakataon na may mga misunderstandings ang mag-ina pero normal lamang ito. Sigurado rin kaming hindi si Jericho ang rason ng kanilang minsang tampuhan dahil in good terms naman si Tita Mai at Echo.

In fact, umalis si Kristine kasama si Jericho at ang buong grupo ng Hunks para sa concert na kanilang gagawin. Si Tin ang isa sa special guests kasama si Vina Morales. Kasama ni Kristine ang ina para makapamasyal at makapagpahinga din sa ibang bansa.

Noong nakaraang Biyernes, umalis ang buong grupo ng Hunks kasama ang inyong lingkod papuntang Guam, Hawaii at San Diego, USA para sa series of shows. Unang leg ng show ay ginanap sa University of Guam Field House Guam noong March 23. Sa Honolulu, sa Stan Sheriff Center naman noong March 24 at sa March 30 tutungo sila sa San Diego Concourse Golden Hall. Diretso naman sila sa Las Vegas para sa two days stay. By April 4, babalik na sila sa Manila at balik sa kanilang regular na trabaho.
* * *
For your comments and feedback, you can e-mail at eric_john_ salut@ hotmail.com.

vuukle comment

AMY PEREZ

CENTER

DIVO

PARA

STAR QUEST

STEFANO

TALENT CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with