^

PSN Showbiz

Remember Cristy Mendoza & Malu Maglutac ?

RATED A - Aster Amoyo -
Aware ang presidential son at vice-governor ng Pampanga na si Mikey Arroyo na pawang mabibigat ang entries sa ika-27 taon ng Metro Manila Film Festival kung ikukumpara sa kanyang pelikulang Di Kita Ma-Reach na dinirek ni Willy Milan for Ecorp Films.

"Despite na hindi gaanong naging visible ang movie trailers ng movie namin at wala kaming gaanong billboards and posters na nakakalat kumpara sa mga major movies na kalahok sa filmfest, sinuportahan pa rin kami ng mga manonood. Sana tuluy-tuloy na ito hanggang sa matapos ang festival," aniya.

Nanghihinayang din ang actor-politician na hindi released nationwide ang pelikula niya tulad ng ibang entries ng MMFF, pero umaasa rin siya na ito’y tatangkilikin pagdating sa probinsya, pahayag pa ng panganay ni Tita Glo.

Ngayong tapos na ang promotions activity ng pelikula, nagpapahinga ngayon si Mikey sa Baguio kasama ang First Family. After the holidays, balik-trabaho na naman si Mikey bilang isang public-servant at sisimulan din niya early next year ang isang pelikulang pagsasamahan nila ng award-winning action star na si Ace Vergel. Ito’y ididirek pa rin ni Willy Milan for Ecorp Films uli.
* * *
Marami ang nagsabi kay Assunta de Rossi na strong contender siya sa pagka-best actress sa MMFF awards night kagabi dahil sa mahusay niyang pagkakaganap sa pelikulang Hubog pero ayaw niya itong asahang masyado.

Base sa trend, may posibilidad na umakyat sa No. 3 position ang Hubog ng Good Harvest Films.

Ang pelikulang Bahay ni Lola ng Regal Films at ang Bagong Buwan ng Star Cinema at Bahaghari ang naglalaban ngayon sa No. 1 slot ng ika-27 taon ng Metro Manila Film Festival na nagsimula nung December 25 at magtatapos sa Enero 3, 2002. Pero pagkatapos ng awards night, maaaring umakyat sa No. 1 position ang Bagong Buwan at bababa naman sa No. 2 ang Bahay Ni Lola. Mag-aagawan naman sa No. 3 and No. 4 positions ang Yamashita: The Tiger’s Treasures ng MAQ Productions at ang Hubog ng Good Harvest Films. Viva Films’ Tatarin will remain at No. 5 habang ang No. 6 & 7 slots ay mapupunta naman sa Di Kita Ma-Reach ng Ecorp Films at Hesusmaryosep the Maverick Films. Pero hangga’t hindi pa natatapos ang festival, maaari pang mabago ang ranking ng pitong official entries pero more or less ay nakikita na ang trend ng day-to-day gross ng pitong kalahok na pelikula.

Since pito ang entries this year sa MMFF, malagpasan kaya ng gross this year ang kinita nung nakaraang taon? Your guess is as good as mine.
* * *
Naaalala pa ba ninyo ang mang-aawit na si Cristy Mendoza, ang dating recording star ng OctoArts International na siyang nagpasikat ng mga awiting "Isang Babalikan, Isang Iiwanan" at "Walang Kaliwaan" na sumikat nung early 80’s?

Si Cristy na isa sa mga napabalitang nasawi sa World Trade Center bombing ay milagrong nakaligtas sa naturang sakuna sa New York nung nakaraang September 11 nang ma-late siya (at ng kanyang mister) ng pasok by a few minutes sa kanilang respective offices sa WTC. Had they both come on time, tiyak na napasama sila sa mga libu-libong biktima ng trahedya.

Ang husband ni Cristy na si Jim de Hitta ay isa ring Filipino na divorced sa kanyang first wife. Meron itong isang 15-year-old son na si Jeremy James or JJ who stays with his mom and step-dad, but there are times na naroon ito kina Cristy at Jim. Second marriage din ni Cristy si Jim pero wala pa silang anak at hindi rin siya nagkaanak sa kanyang first husband.

Si Cristy ay kapanabayan noon ni Miriam Pantig at umabot pa siya nung kainitan nina Eva Eugenio, Claire dela Fuente at Imelda Papin. Naging in-demand performer din siya noon sa Roxas Blvd. strip nung dekada otsenta. Among the singer-performers noon, si Cristy ang nagtataglay ng may pinaka-flawless ang skin kaya naman patay na patay sa kanya noon ang isang impostor na mayamang businessman.

During her heydays, Cristy recorded about four albums sa OctoArts International na pag-aari ni G. Orly Ilacad at signature hit song niya ang awiting "Isang Babalikan, Isang Iiwanan".
* * *
Napakabait at friendly ang kabiyak ng dating TV host na si Malu Maglutac, ang businessman na si Roy Chiongbian. First time namin itong nakilala sa ika-limang kaarawan ng kanilang anak na si Anara Nicole na ginanap sa kanilang magarang tahanan sa Ayala Alabang last December 16. Although first meeting pa lamang namin ni Roy, agad namin itong nakagaanan ng loob dahil sa kabila ng kanyang pagiging isang successful businessman, wala itong kaere-ere.

Sina Malu at Roy ay ikinasal nung October 8 sa Les Chapelles du Paradis sa Paris Hotel ng Las Vegas, Nevada with about 35 family members, relatives and close friends in attendance. Ang kanilang anak na si Anara ang tumayong flower girl. Naroon din ang mag-asawang Honeyboy Palanca at misis nitong si Dang Cecilio na parehong bestfriends nina Malu at Roy.

Isa kami sa mga malalapit na kaibigan ni Malu na natutuwa para sa kanya dahil (finally), nakatagpo na ito ng isang lalaking tunay na magmamahal sa kanya habambuhay. We’ve been privy to Malu’s love affairs in the past at dito siya kay Roy nakatagpo ng wagas na pagmamahal.

Ang nakakatuwa lang dito kay Malu, despite na hindi na siya gaanong active sa entertainment world, she’s always in touch with us bilang isang kaibigan and we’ve been friends since her Student Canteen days. She’s also one of the ninangs of my daughter, Aila Marie.

BAGONG BUWAN

CRISTY

DI KITA MA-REACH

ECORP FILMS

FILMS

GOOD HARVEST FILMS

HUBOG

ISANG

MALU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with