Manilyn, gusto muling magka-baby
December 22, 2001 | 12:00am
Pitong taon nang kasal ang mag-asawang Manilyn Reynes at Aljon Jimenez at meron na silang isang anak, si Kyle, now 5 years old.
Ayon sa Cebuana star, masuwerte umano siya sa pagkakaroon ng asawa tulad ni Aljon na napakabait at napaka-supportive.
"Hindi lamang siya ang best friend ko at husband kundi isa rin siyang modelong father kay Kyle. In our seven years of marriage, hindi pa kami nagkaroon ng matinding away," ani Manilyn.
Ayon kay Manilyn, dumating din siya sa punto na kailangan na niyang maghinay-hinay sa kanyang trabaho. After all, shes been working since she was ten at inalila niya ang kanyang sarili sa trabaho.
"Ngayon, may pagkakataon na kami ng pamilya ko na mamasyal at mag-fishing. Kapag gusto kong magpahinga, may oras na ako unlike noon na kahit tulog ay ninanakaw ko na. Ang maganda sa amin ni Aljon, may time kami pareho kay Kyle di tulad ng iba na inaasa na lang nila ang kanilang anak sa yaya. In our case, hindi ganun. Kung may appointment ako, si Aljon ang nasa bahay at kung siya naman ang may lakad, ako ang kasama ni Kyle," deklara ni Mane.
Hindi rin ikinakaila ni Mane na gusto na nila ni Aljon na sundan si Kyle at umaasa sila na mangyayari ito sa isang taon. At kung sila rin ang masusunod, gusto nila na magka-baby girl na sila. There is also a big possibility na sa Amerika magsilang si Mane ng kanilang second baby since naroon ang pamilya ni Aljon.
Ayon na rin kay Mane, may posibilidad din na mag-migrate sila sa Amerika in the future at willing din umano siyang talikuran ang kanyang showbiz career kung kinakailangan. Pero sa ngayon, puro trabaho muna ang inaatupag ni Mane.
Kababalik lang ni Mane from the U.S. Nagkaroon sila ni Ogie Alcasid ng concert sa Canada at pagkatapos nito ay tumuloy siya ng L.A. kung saan sila nagkita ni Aljon kasama ang kanilang anak na si Kyle. Nakapagbakasyon sila roon ng mahigit isang buwan bago sila bumalik ng Pilipinas kung saan naman naghihintay ang promo ng pelikulang Bahay ni Lola na isa sa mga entries sa MMFF.
"Siguro, this Christmas is my happiest," sambit ng panganay ni Tita Glo.
Dati-rati, nangangarap lamang si Mikey na mapasama sa MMFF ngayon ay natupad na ito.
Samantala, ayaw ni Mikey na ma-preempt ang kanyang napapabalitang pagpapakasal sa kanyang second cousin na si Angela Montenegro.
"When everything is set at siguradong-sigurado na kami sa isat isa, saka namin ito ihahayag sa publiko. Sa ngayon kasi, mahirap pang magsalita," aniya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended





















