Mikey, very protective kay LJ
December 17, 2001 | 12:00am
Isa ako sa naniniwala na ang pelikulang Bagong Buwan na pinagbibidahan nina Cesar Montano at Amy Austria sa direksyon ni Marilou-Diaz Abaya at joint production ng Star Cinema at Bahaghari Productions.
Sa trailer pa lamang ng pelikula, tatamaan ka na sa puso.
After the success of their past tandem sa pelikulang Jose Rizal at Muro Ami, muli na namang magpapakitang gilas sina direk Marilou at Cesar na ang kahusayan ay hindi lamang dito sa Pilipinas naipapakita kundi maging sa ibang bansa.
Although once a year lamang kung gumawa ng pelikula sina Cesar at Direk Marilou, their movie tandem is always worth the wait.
Aminado ang bumubuo ng cast ng Bagong Buwan na hindi ganon kalalim ang kanilang pang-unawa sa mga kaganapan sa Mindanao until they did the movie. Doon lamang nila lubos na naunawaan kung ano ang punot dulo ng mga kaguluhan sa parteng South ng Pilipinas at kung bakit nagkaroon ng malaking gap ang mga Kristiyano at ang mga brother Muslims natin.
Pagkakaisa at katahimikan ang buod na mensahe na gustong iparating sa bawat manonood ng pelikula na masasabi nating very timely ang pagkakagawa. Patuloy ang giyera sa Mindanao, ang mga Filipino kapwa Filipino ay nagpapatayan.
Sana maging daan ang pelikulang ito sa layuning pagkakaisa para sa lahat.
Tuwang-tuwa ang sexy star na si Assunta de Rossi nang malaman niyang pumasok sa Magic 7 ng MMFF ang Hubog.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon ni Assunta na makasali sa MMFF.
"Wow, for the first time, masusubukan ko nang sumakay sa float. Parang sarap ng feeling," deklara ng dalaga.
Kababalik pa lamang ni Assunta galing America kung saan nagkaroon ng series of shows ang Bubble Gang cast.
Ang Hubog ay tinatampukan din nina Jay Manalo, Alessandra de Rossi at Wendell Ramos sa direksyon ni Joel Lamangan.
Kung naging malaking karangalan para sa actor-politician na si Mikey Arroyo ang makapareha niya ang junior superstar na si Judy Ann Santos sa Mahal Kita, Kahit Sino Ka Pa ng MMG Films, isa ring malaking karangalan para sa kanya ang makapareha ang ex-girlfriend ni Diether Ocampo na si LJ Moreno.
"Mabait na napakasarap na katrabaho ni LJ. Wala siyang kaere-ere at napaka-professional bukod pa sa pagiging down to earth," pahayag ng panganay ni Tita Glo.
Habang sinu-shoot nila ang pelikulang Di Kita Ma-Reach, isa sa pitong official entries sa MMFF, parating busog si LJ sa mga nilulutong pasta ni Mikey kaya hinanap-hanap ito ni LJ nang matapos na ang filming ng movie. Sa last shooting day naman, binigyan ni Mikey si LJ ng isang arm bouquet of white roses at isang pares ng red Nike shoes bilang tanda ng kanyang pasasalamat sa dalaga.
"Sa set, parang hindi anak ng presidente si Mikey. Hindi siya nagpapa-importante at kasabay namin siyang kumakain at madalas makipagbiruan sa crew," ani LJ na ang bagong inspirasyon ngayon ay isang black-American guy na nagngangalang Shawn Jones na nakilala niya thru a common friend.
Niligawan ba siya ni Mikey habang ginagawa nila ang pelikula?
"Hindi. Very protective pa nga si Mikey at saka alam niya na may bago akong boyfriend. Pero maloko si Mikey sa set," dagdag pa ni LJ.
Email: ([email protected])

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended