^

PSN Showbiz

Dina, muntik nang mamatay!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Hindi malilimutan ni Dina Bonnevie ang pelikulang Tatarin dahil muntik na siyang mamatay dito sa dirty dancing nila ni Carlos Morales ay sinumpong siya ng hika na tumagal ng 15 minutes. Bago pa ang syuting ay inuubo na ang magandang aktres at nakaramdam nang di maganda dahil nainitan ito at pinagpawisan dahil sa eksena nila ni Carlos.

Isa pa sa sumunod na eksena na dinanas ni Dina ay nang maligo siya sa ilog ng alas-singko ng umaga kung saan nanginig ito sa sobrang lamig. Pero hindi niya pinahalata na siya’y giniginaw. Kaya matapos ang eksena ay hindi na siya makahinga at hindi pa naman niya nadala ang kanyang asthmador na nasa kotse. Malayo pa naman ito sa set.

Hindi na siya halos makapagsalita kaya ipinahiwatig na ilubog na siya sa tubig para makahinga dahil iyon ang kanyang first aid. Mabuti na lang at naintindihan ito ng isang taga-art department at ibinabad ang aktres sa tubig.

Takot si Dina na baka malaman ito ni Direk Tikoy dahil baka atakihin ito sa puso. Dahil sa panghihina ay ikinarga ang aktres sa silya.

Sa pelikulang Tatarin ay gagampanan ni Dina ang papel ni Lupe na isang ulirang asawa ni Paeng na ginampanan naman ni Edu Manzano.
Mikey, Naintriga Dahil Sa MMFF ‘2001 Entry
Maraming nagtatanong kung totoo ang balitang kaya naging pito sa halip na anim ang entries sa MMFF ay para bigyang daan ang pelikula ni Mikey Arroyo na Di Kita Ma-Reach ng E-Corp Films. May nang intriga pa na kaya nakapasok sa Magic 7 ang said movie ay dahil pinaboran ang bise-gobernador bilang anak ng presidente.

Bilang bahagi ng MMFF Committee on Media Relations sa ngalan ng Chairman na si Wilson Tieng ay nais naming ipaliwanag na mali ang mga balita. Late last year pa ay gusto na ng mga prodyuser na gawing pito ang entry dahil na rin sa pagdaragdag ng mga sinehan at higit sa lahat ay para mabigyan ng pagkakataon ang maliliit na kompanya na makasali sa Film Fest.

Noong Agosto 3 ay nagkaroon ng unang pagpupulong ang mga prodyuser para magbotohan tungkol sa pagdaragdag sa anim na entries at gawin itong pito. Pero dahil sa karamihan ng mga dumalo ay mga representative lang ng mga prodyuser ay hindi sila nakapagbotohan. Sa halip ay ginawa ito noong Setyembre 25 kung saan napagkaisahan sa pamamagitan ng pag-aamyenda sa resolusyon na gawing pito ang entry sa darating na Metro Manila Film Festival.

Kung tutuusin ay hindi sana kasali ang Di Kita Ma-Reach pero nang magkaroon ng extension para sa pagsusumite ng mga entries ay nakahabol ang pelikula. Isa pa, base sa mga screening committee ay maganda naman ang pelikula kaya nakapasa ito sa kanilang panlasa.
Anne Loraine, Never Na Maghuhubad
Mabilis na gumagawa ngayon ng pangalan si Anne Loraine na co-host ni Kuya Germs sa Master Showman at mainstay din ng Lunchbreak sa Channel 13. Mahilig siyang umarte at umawit at kasalukuyang nag-aaral sa Conservatory of Music sa St. Pauls College, second year na ito.

Nang tanungin ko kung papayag siyang lumabas sa sexy movie ay sinabi nitong hindi pa sa ngayon. "Pero kung sexy lang okey naman Tita, huwag lang akong maghuhubad. Never ko itong gagawin kahit bayaran pa ako nang malaki," sey ng magandang aktres.

Magandang break ang naipagkaloob kay Anne Loraine dahil siya ang isa sa mga bida sa Susmaryosep.

ANNE LORAINE

CARLOS MORALES

DAHIL

DI KITA MA-REACH

DINA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with