^

PSN Showbiz

Mikey, umiiwas sa usapang kasalan

RATED A - Aster Amoyo -
Hindi ikinakaila ng komedyanteng si Bearwin Meiley na nagpaplano na silang pakasal ng kanyang girlfriend of almost four years na si Lara Lazaro at gusto nila itong itaon sa kanilang ika-5th anniversary on January 9, 2003.

"Masyado na kasing malapit ang January 9, 2002 at hindi pa kami gaanong handa sa preparasyon kaya ipinagpaliban namin ito to year 2003," pahayag ni Bearwin sa presscon ng pelikulang Di Kita Ma-Reach na pinangungunahan nina Mikey Arroyo at LJ Moreno at dinirek ni Willy Milan for Ecorp Films at isa sa pitong official entries sa Metro Manila Film Festival.

For the first time, dalawang pelikula ni Bearwin ang kalahok sa MMFF at ang isa rito ay ang Yamashita na dinirek ni Chito Roño for MAQ Productions kaya hindi tuloy malaman ngayon ng komedyante kung kaninong float siya sasakay.

"Bahala na sa akin si Batman," biro niya. Pero kung ire-require umano siya ng dalawang produksiyon, maglalagare umano siya. First half ng parada ay sa karosa ng Di Kita Ma-Reach at sa kalagitnaan naman hanggang sa pagsapit sa Luneta Grandstand ay sa Yamashita siya sasakay. This way nga naman ay walang magtatampo sa kanya.

Samantala, ibinalita sa amin ni Bearwin na business partners sila ng kanyang girlfriend na si Lara sa Lazaro Printing Press kung saan siya ang tumatayong Marketing Director.

"Sa panahon ngayon, kailangan talagang mag-isip ng sariling negosyo dahil hindi naman stable ang income sa showbiz," aniya.
*****
Kung may dalawang entry sa darating na Metro Manila Film Festival, si Bearwin Meily, dalawa rin ang entry ng award-winning actor na si Raymond Bagatsing, ang Di Kita Ma-Reach ng Ecorp Films at ang Tatarin ng Viva Films na dinirek ni Tikoy Aguiluz. Pero hindi magiging problema ni Raymond kung saang float siya sasakay sa parada ng mga artista on December 24 dahil umalis siya kahapon (December 13) with wife Lara Fabregas for a much-needed vacation abroad.

"Since we got married, wala pa talaga kaming oras masyado para sa isa’t isa dahil pareho kaming busy sa aming trabaho. After her operation for ectopic pregnancy, we decided to take a vacation para may oras kami para sa aming mga sarili at next month na ang balik namin," ani Raymond.
*****
Role ng isang mahirap ang ginampanang papel ng presidential son at vice-governor ng Pampanga na si Mikey Macapagal-Arroyo sa pelikulang Di Kita Ma-Reach under Ecorp Films kung saan niya nakapareha si LJ Moreno.

Since galing sa isang prominenteng pamilya si Mikey, paano siya makaka-relate sa buhay ng mahihirap?

"Ang lolo (ang yumaong dating Pangulong Diosdado Macapagal) ko po ay hindi naman po nagmula sa mayamang angkan. Galing po siya sa mahirap na pamilya pero nagsikap hanggang marating niya ang kanyang mga pangarap. Buhay pa po ang lolo ko ay panay na ang pangaral niya sa aming mga apo niya kung paano makisalamuha at makibagay sa mga mahihirap dahil du’n siya nagsimula. Kaya ang buhay mahirap ay hindi na po iba sa amin ng mga kapatid ko," paliwanag niya.

At ang nakakatawa kay Mikey, sa kabila ng pagiging anak siya ng Pangulo at pagiging vice-governor ng Pampanga, hindi ito kinakitaan ng kayabangan na siyang ibinabato sa kanya ng kanyang mga detractors.

"Wala po akong mapapala kung magyayabang ako," aniya. "Ang pagiging pangulo ng Nanay (Gloria Macapagal-Arroyo) ko ay panandalian lamang at kung anuman po ang posisyon ko ngayon sa pulitika ay temporary lang ito. After all, walang permanenteng bagay dito sa mundo kaya kailangang pagyamanin at alagaan natin nang mabuti kung anuman ang biyayang ibinibigay sa atin ng Diyos," paliwanag pa niya.

Samantala, hindi ikinakaila ni Mikey na overwhelmed siya sa pagkakapasok ng kanyang pelikula sa MMFF dahil first time niyang mai-experience ito.

"Yung pagkakapasok ng movie namin sa MMFF ay isa nang malaking karangalan para sa akin at sa mga kasamahan ko sa pelikula lalung-lalo na sa mga producer ng pelikula," ani Mikey.

Still on Mikey, halos pinagpawisan ng malapot si Mikey sa presscon ng Di Kita Ma-Reach dahil naungkat ang tungkol sa kanyang napipintong pagpapakasal sa susunod na taon. Hindi niya halos malaman kung paano niya ito sasagutin.

"Ayokong i-deny na meron na akong kasintahan pero wala pa kaming definite plans sa ngayon. Magwa-one year na kami sa darating na March at kung kami pa rin pagdating ng aming first anniversary, maybe, dun na lamang namin pag-uusapan kung ano ang mga plano namin in the future. Right now, ini-enjoy namin ang aming relasyon. Ayoko sana munang pag-usapan ang tungkol dito lalupa’t hindi naman siya taga-showbiz, pero naiintindihan ko na hindi ko naman ito puwedeng itago dahil sa aking pagiging public figure. In time, makikilala din n’yo siya," pangako ng actor-politician.

Of course, ang masuwerteng dalaga na nagmamay-ari ngayon sa puso ng panganay ni Tita Glo ay walang iba kundi si Angela Montenegro na sa London nagtapos ng kanyang pag-aaral at nagmumula sa isang prominenteng angkan.
*****
Email: ([email protected])

BEARWIN

DI KITA MA-REACH

ECORP FILMS

KUNG

MIKEY

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with