^

PSN Showbiz

Jericho, inalok ng GMA

ALARMA - Eric John Salut -
Sa Cebu, kung saan nakasama ako sa grupo ng The Hunks na nag-perform sa SM Cebu, 17th Advertising Congress at Jiggy’s Bar & Restaurant (all in one day yan, huh!) nakakuwentuhan ko si Jericho Rosales tungkol sa lumalabas na isyu na lilipat siya ng GMA dahil sa tempting offer ng nasabing station. Masama ang loob ni Jericho sa naglalabasang isyu dahil aniya, walang dahilan para lumipat.

"Sa ganda ng nangyayari sa career ko, walang dahilan para umalis ako sa ABS-CBN," paliwanag ng aktor. "Wala akong masyadong kilala sa GMA. Imagine, I have a regular show with Kristine (Hermosa) sa ABS-CBN, ‘yung Pangako Sa ‘Yo plus sunud-sunod ang movies ko. Logic naman, ano’ng dahilan para lumipat ako? Masayang-masaya ako sa ABS-CBN!"

As we go to the press, 90 percent akong sure kung sino ang nagkakalat ng balitang ito. Na-analyze ko ang istilo ng nang-iintrigang ito. Mero’n itong gustong mangyari. Mero’n ding nagdidikta dito. Aware ako kung sinu-sino ang nagku-connive para mag-ingay ang isyu.

Para sa mga taong ‘yun, siguraduhin ninyong may katotohanan ang paninirang ginagawa ninyo kay Jericho. At may weight ang claim ninyo dahil kung hindi, papangalanan namin kayo na maglalagay sa inyo sa matinding kahihiyan.

Wala na kayong ginawang mabuti sa kapwa ninyo kundi manira. ‘Buti nakakatulog pa kayo? O hindi na?
* * *
Ayon sa isang taga-ABS-CBN Talent Center na nakausap ko, may matinding dahilan si Johnny Manahan (Vice-President for Talent Development & Management Center) for dropping Rapi Revilla as a co-manager of Carlos Agassi. Kahit daw si Rapi ay alam ang dahilan dahil nakasaad ito sa memo na inilabas ng top honcho ng Talent Center.

"Alam niya ang dahilan," paunang lahad ng kausap ko. "In fact, he was warned na about it. Pero marami pa ring dumarating na reklamo against him na mismong mga artista namin ang nabiktima. Hindi naman puwedeng i-tolerate ni Mr. M ang gano’ng practice. Kahit si Rapi, alam niya ang mga ginagawa niya. Huwag na siyang mandamay ng ibang tao. Nakarating nga sa amin na he is resorting to dirty tactics blaming other people."

Tsina-challenge ng kausap ko na kung may reklamo si Rapi, kay Mr. M ito humarap. "Harapin niya ‘yung mga problema niya sa amin. Kay Mr. M ito humarap. Pinalabas ni Rapi na kawawa siya dahil he was dumped pero kung malalaman n’yo kung ano ang totoo, puwede ninyong sabihin na, ‘Ay, dapat lang pala siyang tanggalin!"

Inaayos na daw ngayon ng Talent Center ang official statement kung saan nakasaad ang totoong dahilan kung bakit tinanggal si Rapi bilang co-manager ni Carlos.
* * *
Kung ang dagsang fan mail at e-mail ang pagbabasehan ko, ABS-CBN has indeed created another star in the person of Heart Evangelista. Aba, mula nang ipalabas ang hit teen movie’ng Trip ng Star Cinema ay dumagsa na ang fans ni Heart. Naka-create na naman ang ABS-CBN at Star Cinema ng isang bagong iidolohin in Heart.

Said letters and e-mails are forwarded to Ms. Gidget Bullag (Heart’s handler in Talent Center) para personal na masagot ng teen stars ang mga ito.

"She makes it a point na mabigyan ng copy e-mail at ‘yung letters para kapag may free time, sinasagot niya. Naaaliw siyang sumagot sa mga letters ng fans niya," sabi ni Ms. Gidget.

Sa mga fans ni Heart ng iba pang ABS-CBN Talent Center stars, puwede kayong mag-e-mail sa talent-center @abs.pinoycentral.co at tiyak na mabilis itong makakarating.

vuukle comment

ABS

ADVERTISING CONGRESS

CARLOS AGASSI

CENTER

KUNG

MR. M

RAPI

STAR CINEMA

TALENT CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with