^

PSN Showbiz

Jun Encarnacion namatay na

-
Pagkatapos nina Ricky Belmonte at Eddie Rodriguez, si Jun Encarnacion naman ang namaalam sa mundo kahapon, ganap na 10:55 ng umaga sa UST Hospital.

Expected ng pamilya ni Jun na ngayong linggo mamaalam ang magaling na hairdresser na paminsan-minsan ay lumalabas sa pelikula at telebisyon. "Alam na nila na malapit na talaga si Jun. Nagbilin pa nga si Jun na gusto niyang i-cremate siya. Ayaw niya raw ng dadalhin pa sa cemetery at iiyakan pa," balik-tanaw ni Emy Abuan-Bautista, PRO ni Jun.

Ayon pa kay Ms. Bautista, ayaw magpadalaw ni Jun no’ng mga huling araw nito sa hospital. Pero nasasaktan daw ang mga kamag-anak tuwing may mababasa silang may taning na ang buhay ni Jun.

Nagsimula raw ang cancer of the intestine ni Jun sa simpleng ulcer. Almost two years na ang nasabing sakit.

Last September 29 pa ipinasok sa UST si Jun. Do’n na rin siya kino-chemotherapy.

Kasalukuyang nasa Arlington Funeral Parlor ang labi ni Jun.

vuukle comment

ALAM

ARLINGTON FUNERAL PARLOR

AYAW

EDDIE RODRIGUEZ

EMY ABUAN-BAUTISTA

JUN

JUN ENCARNACION

LAST SEPTEMBER

MS. BAUTISTA

RICKY BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with