^

PSN Showbiz

Sa Baron/Jodi split, sino ang nangaliwa?

-
Break na pala ang real life sweethearts na sina Baron Geisler at Jodi Sta Maria.

"But we’re still okey. Kung anuman ang nangyari, okey pa rin kami. Nothing has changed sa samahan namin," sabi ng tisoy na binata.

Maraming bersyon ang lumalabas kung bakit nagtapos din ang relasyon nila ni Jodi. Ang sabi-sabi, may third party involved daw. Hindi lang malinaw kung si Jodi ang nangaliwa o si Baron.

Pero damay din ang pangalan ni Patrick Garcia na isa ring tinuturong ‘salarin’ sa pagkasira ng relasyon ng dalawa?

"Walang third party involved. Sa isang relasyon naman, wala naman talagang nakakaalam kung hanggang saan at kailan ang itatagal ng pagsasama. Kahit nga sa isang mag-asawa, magkakahiwalay pa rin. Sa amin pa kaya?

"With regards to Patrick, labas siya sa usapan. Wala siyang kinalaman. Hindi rin ako naniniwalang may relasyon sila. Ang alam ko lang, sa Pangako Sa ‘Yo sila may relasyon," sabi pa niya.

"Kaibigan ko rin si Patrick. Kaya alam kong wala talaga. Gumigimik din kami ni Patrick together ‘pag may time. At wala naman siyang sinasabi o nababanggit na type niya si Jodi.

"Kaya walang problema sa amin ni Patrick. Huwag na rin kaming gawan pa ng intriga," pagtatanggol niya kay Patrick. (Ulat ni Robert Perez)

BARON GEISLER

GUMIGIMIK

HUWAG

JODI

JODI STA MARIA

KAYA

PANGAKO SA

PATRICK GARCIA

ROBERT PEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with