^

PSN Showbiz

Ang babaeng pinakawalan ni Willie Revillane

- Veronica R. Samio -
Hindi kataka-takang kabaliwan ni Willie Revillame (na-tsismis silang dalawa nun, nang aktibo pa sa Magandang Tanghali Bayan si Willie) ang commercial model at ngayon ay ipinakikilala sa pelikula ng Regal Entertainment na Cool Dudes na si Phoemela Barranda. Talaga palang napaka-ganda nito at ismarte pa.

In demand siya sa mga komersyal na nagdadala sa kanya sa iba’t ibang panig ng mundo gaya ng Hongkong, Thailand, Italy, China at Australia. Nagmamaneho siya ng sarili niyang kotse at nakatira sa isang pribadong subdibisyon kasama ang kanyang inhinyerong ama at ina na palagi niyang kasama sa kanyang mga lakad. She is an only child.

"Magkaibigan lamang talaga kami ni Willie. Lumalabas kami nun, pero hindi date na kaming dalawa lamang, kundi gimik with a group, marami kaming magkakasama," panimula ng magandang modelo during the presscon of Cool Dudes na dinaluhan ng halos lahat ng cast ng pelikula.

Late siyang dumating, magtatapos na ang presscon. "Sorry, kasi galing pa ako sa school tapos, umuwi pa ako ng bahay before coming here," paliwanag niya.

She is currently busy with her thesis, nasa ika-apat na taon na siya ng kanyang pag-aaral sa St. Benilde sa kursong Interdisciplinary Studies.

"Nagkakilala kami ni Willie sa isang fashion show. Ipinakilala kaming dalawa ng isang kaibigang fashion designer. Friendly si Willie. At the time, naghahanap ang MTB ng isang co-host pero I was busy then.

"Hindi naman siya nanligaw sa akin pero, we became good friends. Naging magkaibigan din sila ng mom ko. Wala pa kaming communications ever since mawala siya sa TV," dagdag pa niya.

Nagsimula sa produktong Extraderm ang pagmomodelo ni Phoemela. Fourteen years old siya at the time. Sinundan pa ito ng napakaraming assignments like Rejoice, Fresh & White toothpaste, De Beers at Mossenite. It was while shooting a commercial abroad nang may ma-attract sa kanya na isang kilala at pamosong foreign singer na nang mag-concert ito ay ipinasundo pa sila ng kanyang ina para lamang mapanood nila siya.

Paboritong cover girl din si Phoemela, nakita na siya sa balat ng MOD, Cosmopolitan, Preview, Cosmo Bride, Health Today, Women’s Journal, She at marami pang iba.

Sa Cool Dudes, half sister siya ni Cogie Domingo. "I’m trying showbiz, sana magustuhan ako ng tao," sabi niya.

vuukle comment

COGIE DOMINGO

COOL DUDES

COSMO BRIDE

DE BEERS

HEALTH TODAY

INTERDISCIPLINARY STUDIES

MAGANDANG TANGHALI BAYAN

PHOEMELA

PHOEMELA BARRANDA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with