Naritong muli ang ASIN
April 4, 2001 | 12:00am
Bumalik ang pamosong grupo ng Asin sa mundo ng recording. May album sila na ilalabas ng Vicor Music Corp. sa Abril 30. Ang grupo na binubuo nina Lolita Carbon at Pendong Abad ay pumirma na ng kontrata sa nasabing recording outfit na sinaksihan ng pangulo nito na si G. John C. Tan. Ang grupo ay matatandaan sa kanilang awiting "Masdan Mo ang Kapaligiran", "Itanong Mo Sa Mga Bata", "Himig ng Pag-ibig", "Ang Bayan Kong Sinilangan" at marami pa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended