^

PSN Showbiz

Nakakatakot na senaryo

-
Bibilib kayo sa awards na hinakot ng isang action film: best cinematography," "best action choreography," "best art direction," "best costume & makeup design," "best film design" at "best sound design." Isang kapana-panabik na panonood ang ngayon lang mararanasan sa bagong release ng Solar Films na pinamagatang Purple Storm.

"Isa itong pambihirang pelikula," wika ni direk Teddy Chan, "na hindi purong fiction kundi may bahagi rin na totoo. Ayon sa ulat, ang chemical weapon na tinutukoy sa istorya ay lihim na naimbento na ng isang grupo ng mga siyentipiko. Maka-gobyerno, maka-terorista o para sa highest bidder man sila ay hindi na mahalaga. Sa tama o maling mga kamay, ang nasabing weapon ay magpapahamak sa sangkatauhan dahil masahol pa ito sa pinagsamang nuclear at atomic bombs.

"Para maipakita ang pinakanakakatakot na senaryo ng isang matinding pagsabog, pinili ko ang mga pinakamagaling sa industriya. Napakamahal nila pero nakumbinse ko ang aking prodyuser na karapat-dapat naman sila sa ganoong kabayaran. Napatunayan ito nang makagawa kami ng pelikulang hindi lang de kalidad kundi komersyal pa. Magse-set ito ng bagong trend sa action movies. Bawat aspeto nito’y may dating–istorya, aksyon, stunts at effects. Obra maestra ito para sa akin at ganoon din sa kanila (crew)."

Sa istorya, tatlong terorista mula sa Khmer Rouge ang pumuslit sa Hongkong na may dalang chemical weapon na kung tawagi’y Purple Storm. Pero, isa sa kanila’y nasugatan sa ulo at nawalay sa kasamahan. Nang siya’y magkamalay na may amnesya, isang anti-terrorist cop ang nagsinungaling sa kanyang siya’y isang anti-terrorist agent na nag-infiltrate sa kampo ng mga terorista upang mapigilan ang pagsabog ng bomba na papatay sa milyun-milyong katao!

Isinapelikula sa tradisyon ng Royal Hongkong Police at Chinese Army, ang Purple Storm ay pinangungunahan nina Joan Chen, Daniel Wu, Teresa Lee at Moses Chan.

vuukle comment

CHINESE ARMY

DANIEL WU

JOAN CHEN

KHMER ROUGE

MOSES CHAN

PURPLE STORM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with