^

PSN Showbiz

RPN, may hiling kay GMA

-
Pormal na hiniling ng mga empleyado ng Radio Philippines Network, partikular na ng mga empleyado na napapabilang sa union ng mga rank-and-file at supervisors, kay Presidente Gloria Macapagal Arroyo na huwag tanggalin sa puwesto si Edgar San Luis bilang President at General Manager ng naturang broadcast company.

Ayon sa mga opisyal ng Supervisors Union at ng Employees Union masisira ang moral ng mga empleyado kung magkakaroon ng pagpapalit ng pinuno ang kumpanya.

Sinabi nina Supervisors Union President Hedie Balsalubre at rank-and-file President Orlan Lizada na si San Luis ang nakapagbigay ng panibagong imahe para sa kumpanya at nakapagbigay daan sa pagsasaayos ng organizational set-up ng RPN 9.

Sinabi rin ng mga empleyado na kung ibabalik ang mga dating executive ng naturang broadcast company, maaaring bumaba muli ang kalagayan ng kumpanya dahil sa ilalim ng mga nasabing dating namuno, na napabilang sa mga iba’t ibang kaso, ay nagdulot ng mga financial losses sa kumpanya. Sa ngayon ay nararanasan na ng RPN ang bunga ng pagsusumikap ng kumpanya sa ilalim ng pamumuno ni San Luis.

EDGAR SAN LUIS

EMPLOYEES UNION

GENERAL MANAGER

GLORIA MACAPAGAL ARROYO

HEDIE BALSALUBRE

ORLAN LIZADA

RADIO PHILIPPINES NETWORK

SAN LUIS

SINABI

SUPERVISORS UNION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with