^

PSN Showbiz

Sino si Penelope Cruz?

-
Isa siyang Spanish actress na unti-unting gumagawa ng pangalan sa Hollywood sa larangan ng pelikula. May isa siyang pelikula na nakatakdang ipalabas dito sa atin, ang Woman on Top, na ginawa ng 20th Century Fox at ipamamahagi locally ng Viva International Pictures. Ginagampanan niya ang role ng isang magically-talented chef na si Isabella.

Una siyang napanood sa US sa isang maikling role sa isang made for TV movie na tinampukan ni Timothy Dalton, ang Framed. Ang ikalawang pelikula niya na pinamagatang Jamon, Jamon ang nagbigay sa kanya ng international stardom.

Nag-aral siya ng classical ballet sa loob ng siyam na taon sa National Conservatory sa Spain. Pagkatapos nito ay sumailalim siya sa paghahasa ng mga prominenteng dancers. Naka-apat na taon siya ng dance performance kay Christina Rota, three years ng Spanish ballet kay Angela Garrido, jazz dance course kay Raul Caballero at ilang dance courses sa New York.

Nung 15-taong gulang siya ay sumailalim siya sa isang agency talent audition at tinalo niya ang mahigit sa 300 auditioners.

Una siyang napanood sa kanyang bansang Espanya sa Labinrinto Griego nung 1991. Mahigit nang dalawang dosena ang nagagawa niyang pelikula sa kanyang bansa at ilan dito ang hinangaan sa iba’t ibang panig ng mundo. Gaya ng All About My Mother, Oriana at Belle Epoque.

Mayro’n siyang Best Actress Award, ang Spanish Giya para sa role niya sa La Niña De Tus Ojos nung 1998.

Para sa kanyang role na isang chef na may magical culinary skills sa Woman On Top, kumuha siya ng cooking lessons. Nag-enjoy siya nang husto kaya nagbabalak siyang dagdagan ang kanyang kaalaman sa pagluluto sa isang cooking school.

Bagaman at hindi niya inaamin, sinasabing boyfriend niya sa kasalukuyan ang aktor na si Matt Damon.

Minsan ay idinonate niya sa isang charitable institution ni Mother Teresa sa Calcutta ang paycheck niya para sa pelikula niyang Hi-Lo Country, ang una niyang English language film kasama sina Woody Harrelson at Billy Crudup.

Kasama niya sa Woman On Top na nasa direksyon ng isa ring Española, si Fina Torres, sina Murilo Benicio, Harold Perrineau, Jr. at Mark Feuerstein.

ALL ABOUT MY MOTHER

ANGELA GARRIDO

BELLE EPOQUE

BEST ACTRESS AWARD

BILLY CRUDUP

NIYA

WOMAN ON TOP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with