Last look sa showbiz 2000
January 1, 2001 | 12:00am
Tulad ng pulitika sa bansa, makulay at magulo rin ang mundo ng pelikula sa pagtatapos ng taong 2000.
Tulad ng dati, may maganda at masamang pangyayari sa puwede nating alalahanin sa pagpasok ng bagong milenyo, 2001.
Pero mas magandang alalahanin ang mga bagay na maganda kesa sa mga bagay na parang masamang panaginip.
Ilan sa mga magandang nangyari sa taong 2000 ay pagiging ganap na magulang nina Richard Gomez at Lucy Torres. Pinangalanan nila ang bata ng Juliana Maria Beatrice. Humabol si Sharon Cuneta nang i-deliver niya ang first baby nila ni Francis Pangilinan.
Si Alma Concepcion ay nagsalita na rin tungkol sa panganganak niya. Pero as much as possible, ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa ama ng bata.
Isang malaking event din sa showbiz ang pagpapakasal nina Sunshine Cruz at Cesar Montano na ginastusan ng P8 M. Maraming intriga bago ang wedding day. Pero sa altar pa rin nag-the end ang romance ng dalawa. Ngayon ay balitang gusto nang magbuntis ni Sunshine at kuntento sa pagiging maybahay ni Cesar. Taliwas ito sa lumalabas na balita na panay ang away ng dalawa hanggang ngayon dahil sa pagiging isip bata ng aktres.
Sina Aiko Melendez at Jomari Yllana ay nagpakasal sa simbahan sa katatapos na taon. Maging sina Harlene Bautista at Romnick Sarmienta ay humabol na pakasal sa simbahan last December 19.
Year 2000 din nag-announce na pakakasal sina Aga Muhlach at Charlene Gonzales. Naka-schedule silang magpakasal sa Baguio sa May. Ang announcement na ‘yun naman ang naging basehan raw ni Troy Montero na iwan na ang showbiz at bumalik na lang sa States. Pero nag-deny si Troy tungkol dito.
Of course, last year din nagpakasal sina David Bunevacz at Jessica Rodriguez. Naging issue ang nasabing kasalan dahil ina-acuse si David na ginagamit lang niya si Jessica dahil wala na siyang hanap-buhay dito.
Nagsalita si Anjanette Abayari tungkol sa nasabing kasalan sa The Buzz (Boy Abunda) na wala pa silang formal break-up bago nag-decide si David na pakasalan ni Jessica kaya na-shock siya (Anjanette) sa biglaang pangyayari. Sinabi pa ni Anjanette na totoong ibinenta ni David ang ilang importanteng bagay sa apartment nila matapos siyang masangkot sa iskandalo ng droga sa Guam.
Pagkatapos ng apat na taong paghihintay, finally ay bumaba sa katatapos na taon ang annulment nina Martin Nievera at Pops Fernandez. Maraming nagulat nang lumabas ang annulment. Maging si Martin ay walang kaalam-alam na ngayong taon bababa ang annulment nila. Inamin ni Pops na after the annulment, natatakot siya para sa mga anak nila.
Pero bago pa man ‘yun, nag-desisyon na si Pops na mag-comeback sa movie via Linlang with Richard Gomez and Joyce Jimenez. Nasundan pa ‘yun ng Gusto Ko Nang Lumigaya with Albert Martinez. Mas daring siya sa second movie niya.
Nagkaroon din si Pops ng concert this year - "Shindig 1 & 2" sa ULTRA. Ang "Shindig 3" niya ay sa Cavite na ang venue dahil kay Gov. Bong Revilla.
Kung kani-kanino na-link si Pops. Kay Troy, Tonton Manlongat, Aga Muhlach among others. Pero kahit isa ay wala siyang inamin.
Dahil sa annulment, open na rin si Martin ngayon sa relasyon nila ni Katrina Ojeda na formal niyang ipinakilala sa ibang member of the press sa opening ng Country Waffle sa Annapolis.
Si Kris Aquino ay na-link kay Paolo Bediones. Pero hindi nag-materialize ang pagtatawagan nila ng Pumpkin and Cheesecake sa kani-kanilang show.
By the way, bestfriends ngayon sina Kris at Pops.
Pinagkaguluhan sa bansa si Fernando Carrillo nang dumating siya rito last September. Kahit saan siya magpunta, nagkakagulo ang lahat. Maging ang ilang talent ng Viva ay nag-aagawan sa kanya kasama na si Rica Peralejo na natanggal sa ABS-CBN Talent Center dahil binawalan na siyang mag-guest sa show ni Fernando sa Araneta, pumunta pa rin siya. Nakilala ang character ni Fernando Carrillo sa Rosalinda kasama si Thalia.
Walang gaanong malaking pangyayari sa buhay nila Nora Aunor at Vilma Santos sa katatapos na taon. Si Nora ay nagsabi lang na tuloy ang pagtakbo niya sa darating na local election ngayong taon. Si Vilma ay isang pelikula lang ang nagawa - Anak, pero milyun-milyon naman ang kinita sa takilya. Ngayong taon ay gagawin naman niya ang Dekada ’70 with Christopher de Leon.
Ayaw nang patulan ni Jolina Magdangal ang issue sa kanila ni Robin Padilla na nag-bloom last year. Si Judy Ann Santos, bago natapos ang taon ay nagbigay ng hint na okey sila ni Piolo Pascual na nakasama niya sa Kahit Isang Saglit. Sa katatapos din na taon inamin ni Judy Ann na nag-on talaga sila ni Wowie de Guzman.
Pero si Ara Mina ang may pinaka-magandang bagay na nangyari last year. Nakilala niya ang tunay niyang ama, si Chuck Mathay. Ngayon, normal na ang takbo ng buhay niya dahil matagal din niyang hinintay ang pagkakataong ito.
Hindi naman maganda ang katatapos na taon sa mga bold movies matapos maghigpit ang Movie and Television Review and Classification Board. Karamihan ng bold movies ay hindi kumita. Ang mga nag-click ay family oriented at wholesome movies.
Humabol pa sa mga bagay na nangyari sa pagtatapos ng siglo ang magandang resulta ng 2000 Metro Manila Film Festival.
Marami pang ibang pangyayari sa mundo ng showbiz. Pero mas masarap alalahanin ang mga bagay na hindi gaanong malungkot. Sa pagpasok ng Bagong Taon, panibagong pag-asa na naman ang ating haharapin para sa mas makulay at masayang mundo ng showbiz para kalimutan ang masasamang bagay na nangyayari sa ating kapaligiran.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended