^

Punto Mo

Himala: Kapatid gumaling sa sakit! (Part 18)

Pang-masa

PASADO alas otso ng umaga, nagtungo ako sa clinic para kunin ang 2DEcho result ni Victor sa kabila na hindi pa siya naisasailalim dito sa ikalawang pagkakataon. Mapilit ang kapatid ko kaya sinunod ko siya. Baka lang ma-stress ay ­maapektuhan ang puso.

Pagdating ko sa clinic ay pila na ang mga pasyente ni Doktor. Mahaba rin ang pila sa mga kumukuha ng results.

Saglit akong nag-isip kung ano ang sasabihin ko sa babaing nagre-release ng results. Magki-claim ako ng results na walang stub.

Pero nakaisip ako ng paraan.

Nang tanungin ako ng babae sa releasing section kung nasaan ang stub, sinabi kong nabasa at nagkapunit-punit na.

Akala ko magagalit ang babae at sesermunan ako pero malumanay na pagsasalita ang narinig ko.

“Anong pangalan ng nagpa-test?”

“Victor—Victor Carmona.”

Hinanap ng babae. Ang akala ko, ang sasabihin ng babae ay walang VICTOR CARMONA sa file.

Pero nagulat ako nang may kunin siyang envelope sa cabinet. Binasa kung iyon nga ang kay Victor. Pagkatapos basahin ay lumapit sa akin.

“Pirma ka rito,’’ sabi ng babae.

Pumirma ako. Pero habang pumipirma, nagtataka ako dahil meron talagang results ang 2DEcho ni Victor. Paano nangyari iyon e hindi pa naman siya sumasalang sa ikalawang 2DEcho test.

Tinanggap ko ang result mula sa babae.

“”Ipabasa mo kay Doc. Pumasok ka sa room niya,’’ sabi ng babae.

Tinungo ko ang room ni Doc. (Itutuloy)

PUNTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with