^

Punto Mo

‘Himala’ (Part 7)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI ko maintindihan ang aking sarili kung bakit kinakabahan ako habang pumapasok sa room ni Dr. Gonzales. Hawak ko ang malapad na brown envelope na resulta ng mga test na isinagawa kay Tatay ilang linggo na ang nakararaan.

Pagpasok ko, nakita kong nakaupo si Dr. Gonzales at may binabasa. Mga 50-anyos na marahil ang mabait na doktor.

“Good afternoon Doc,” bati ko dahil mag-aala-una na ng hapon.’

“Hi good afternoon. Take a seat.”

“Ipababasa ko po ang results ng tests ni Tatay. ‘Di po ba sabi mo, bumalik ako after two weeks para malaman ang results.”

“Oo.”

Iniabot ko ang envelope.

“Kumusta ang father mo?” tanong ni Doc habang binubuksan ang envelope.

“Mabuti naman po.”

Napatangu-tango si Doctor at inilabas mula sa envelope ang mga resulta ng tests ni Tatay.

Binasa.

Habang pinagmamasdan ko ang ginagawa ni Doctor ay lihim akong nagdarasal. Kung ano ang idinadasal ko sa simbahan na lagi kong pinupuntahan ay ‘yun din ang dinadasal ko: ang gumaling si Tatay sa sakit niyang cancer sa baga.

Napansin ko na ilang ulit na binasa ni Dr. Gon­zales ang mga resulta. Sinuring mabuti.

Pagkatapos ay masusing tumingin sa akin.

Hindi ako mapalagay sa mga sandaling iyon. Sunud-sunod ang kaba ko. (IItutuloy)

HIMALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with