‘Paniki’ (Part 8)
“HUWAG ka na munang umuwi, Sandra,” sabi ni Joey. “Marami pang magagandang pasyalan dito. Isa pa, ngayon lang tayo nagkaki?ala. Hindi ba Albert, Greg?”
“Oo,” sabi ni Greg. “Ipagpaliban mo na ang pag-uwi. Minsan lang naman itong pamamasyal natin dito. Di ba Albert?”
Tila nahihiya si Albert nang sumagot.
“Oo nga Sandra. Baka naman mapagbibig?an mo kami. Saka ka na lang umuwi.”
“O si Albert na ang nakikiusap, Sandra. Baka naman hiyain mo si Albert?”
“Sige na nga?indi na ako uuwi.”
Nagpalakpakan ang tatlong lalaki. Mas malakas ang palakpak ni Albert.
“Hindi ka na talaga uuwi bukas, Sandra?” tanong ni Diana.
“Oo.”
“Hindi ka na takot sa paniki?”
“Hindi na.”
“Kahit na pumasok sa bahay ang paniki hindi ka matatakot?”
“Hindi na.”
Gulat na gulat si Diana. Hindi siya makapaniwala sa biglang pagiging matapang ko sa mga paniki.
Nakita ko ang ma?amis na pagkaka?giti ni Albert. Masaya ito at hindi na ako uuwi.
(Itutuloy)
- Latest




















