‘Tagpi’ (Last Part)
DALAWAMPUNG taon ang inilagi sa amin ni Tagpi. Namatay siya dahil sa katandaan. Nang malapit na siyang mamatay, napansin namin na hindi na siya bumabangon at laging nakahiga. Hindi na rin siya sumasalubong sa amin kapag dumarating kami. Pero kumakawag ang kanyang buntot na tanda na nasisiyahan siya sa aming pagdating.
Sabi ni Tatay, ihahanda na niya ang paglilibingan kay Tagpi. Masakit man sa kalooban ni Tatay, isang malalim na hukay ang ginawa niya. Naghanda na rin siya ng tabla na gagawing kabaong ni Tagpi. Naghanda na rin si Tatay nang malinis na damit na isasapin sa kabaong.
Makalipas ang isang buwan, nagisnan na lamang namin isang umaga na patay na si Tagpi. Unat na unat ang kanyang katawan.
Inayos namin ni Tatay ang katawan ni Tagpi. Inilagay ito sa kabaong at saka inilibing sa hanggang hita na lalim ng lupa sa harapan ng aming bahay. Maayos naming tinabunan ang kanyang libingan. Nilagyan namin ng marker.
Makalipas ang ilang buwan, gumawa ako ng rebulto ni Tagpi. Isa nga pala akong Fine Arts student na marunong gumawa ng rebulto at marunong ding maglilok.
Hanggang ngayon, ang rebulto ni Tagpi ay nasa harapan pa ng aming ancestral house sa probinsiya. Nasa ibaba ng rebulto ang pangalang “TAGPI”.
Hindi namin malilimutan ang ginawang kabutihan ni Tagpi na ilang beses kaming niligtas sa kapahamakan.
- Latest




















