^

Punto Mo

Wasakin ang masamang kultura

USAP TAYO - Pastor Joey Umali - Pang-masa

LUMABAS sa isang pag-aaral na kalahati ng estudyanteng Pilipino sa elementarya ay nabu-bully. Kung marami ang nabu-bully, siguradong marami rin ang nambu-bully, ito ‘yong mga batang ginagamit ang kanilang lakas, hawak na sensitibong impormasyon o popularidad para kontrolin o gawan ng masama ang kapwa bata.

May tatlong uri ng bullying. Ang verbal na kinasasangkutan ng pamamahiya, panunukso, pambabastos, paghahamon, at pananakot. Ang social na kinapapalooban ng paninira, pamumuwera, pagtsitsismis, o pagsasabi sa iba na huwag makipagkaibigan sa isang kaklase. Ang physical na ipinakikita sa pamamagitan ng pisikal na pananakit o paninira ng gamit, panununtok, pamamalo, panunura, pamamatid, o pamamahiya sa publiko. Ang pambu-bully ay maaaring mangyari sa loob at labas ng eskwelahan at sa internet o social media.

Ang Pilipinas ang bullying capital ng mundo. Unti-unti na ngayon itong nagiging kultura, kung paanong ang korapsyon ay naging isa ng kultura sa Pilipinas. Ang kultura ay ang kolekti?ong paniniwala, pinahahalagahan, kostumbre at kaugalian na tinatanggap na at naisasalin mula sa isang henerasyon tungo sa susunod.

Hindi inimbento ng mga batang estudyante ang pambu-bully. Ito’y natutunan nila mula sa nakatatanda. Ang lalong masaklap, ang masasamang gawa na tulad ng korapsyon at bullying ay natututuhan nila mula sa mga pinuno na dapat sanang modelo ng mabuting pagkatao. 

Bakit naging kultura na ang korapsyon? Sapagkat ang mga tiwali nating pinuno ay hindi napapanagot, yumayaman pa, at paulit-ulit na nahahalal sa matataas na puwesto. Bakit nagiging kultura na ang pambabastos sa mga kababaihan? Sapagkat tinatawanan natin ang pambabastos nila na tila hindi naman ito malaking kasalanan. Ang mga bastos na pulitiko ay hinahangaan pa at halos sambahin na parang mga santo. Bakit may mga pinuno na hindi napapanagot sa mga kasa?anan nila sa bayan? Sapagkat binaligtad na natin ang kahulugan ng kung ano ang mabuti at masama. Basta’t hindi nakapipinsala sa sariling kapakanan, kahit ikapahamak ng iba, ‘yon na ang kahulugan natin ng mabuti. Kapag may nagsisiwalat ng katotohanan, ilihis ang pansin ng publiko mula sa katotohanang sinasabi tungo sa masamang mukha ng nagsasalita. Ito na ang nagiging kalakaran.

Kagagawan ito ng matatanda na ginagaya ng mga bata. Anumang masamang gawa na hinahayaang mangyari sa kasalukyan ay tatanggapin bilang mabuti ng susunod na henerasyon. Anumang injustice na papayagan nating makapamayagpag sa kasalukuyan ay tatanggaping justice sa kinabukasan. Ang kasinungalingang papakinggan at papayagan natin ngayon ang magiging katotohanan sa kinabukasan. Wika ng Russian revolutionary leader na si Vladimir Lenin, “Ang kasinungalingang paulit-ulit na sinasabi ay siyang nagiging katotohanan.”

Ang kultura ng korapsyon, pambubully, pagsisinungaling, at pambabastos ng kababaihan ay taliwas sa katuruang Kristiano. Bilang Kristiano, ang depinisyon natin ng mabuti ay sang-ayon sa depinisyon ng Diyos.  Ganito ang wika sa Mikas 6:8, “Ipinakita niya sa iyo, O tao, kung ano ang mabuti. At ano ang itinatakda ng Panginoon sa iyo, kundi ang gumawa na may katarungan, at umibig sa kaawaan, at lumakad na may kapakumbabaan na kasama ng iyong Diyos.” 

Ito ang kultura na dapat nating ipinalalaganap bilang mga Kristiyano--ang kultura ng katarungan, pagkahabag at pagpapakumbaba. Wasakin na natin ang masamang kuturang ipinalalaganap ng mga tiwaling pinuno bago pa ito maging paraan ng pamumuhay ng ating mga kabataan!

BULLY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with