^

Punto Mo

Flocerfida (321)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“BAKIT parang nag-isip ka nang mabanggit ko ang name ng father ni Ericko, Tito?” tanong ni Dang.

“May naaalala lang ako.”

“Ah.”

“Basta sa summer, tuloy na tuloy na kayo rito ni Ericko ha. Maghahanda ako.”

“Opo.”

“Palagay ko hindi pa nakararanas makakain ng mga sariwang isda, gulay at prutas si Ericko. Laking Maynila kasi.”

“Opo Tito. Dito na siya ipinanganak.”

“E maiba ako ng usa­pan, magsiyota na ba kayo?”

“Si Tito talaga laging­ itinatanong yun. Magka­ibigan lang po kami.”

“Nagtatanong lang naman.”

“Wala pa sa isip namin ‘yan—lalo na ako Tito dahil magpapatuloy ako ng Law. Gusto kong matupad ang pinangako kay Lolo at kay Papa.”

“Alam ko, Dang. Pero kung sakali at manligaw sa iyo si Ericko, wala akong tutol sa kanya. Kahit hindi ko pa siya nakikita at nakaka­usap, nararamdaman kong ma­buti siyang tao at magiging mabuting asawa.”

“Hayaan mo Tito at kapag nagtapat siya ay ikaw ang unang makaaalam.”

Nagtawa si Kikoy.

“Para namang ako ang sasagot kay Ericko, ha-ha-ha!”

“Basta nagtapat siya, tata­wagan agad kita.”

“Sige.” (Itutuloy)

FLOCERFIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with