Itim (Part 5)
ANG isang ipinag-alala ni Tatay tungkol kay Itim ay baka raw biglang sumulpot ang tunay na may-ari nito. Hindi raw niya alam ang gagawin kapag kinuha si Itim.
“E kung bayaran na lang natin si Itim kapag sumulpot ang may-ari. Bilhin natin si Itim. Siguro naman ay himdi tatanggi ang may-ari dahil malaki na ang puhunan natin kay Itim. Bisiro pa lang siya nang mapulot natin at marami nang nagastos. Pinagtiisan nating pasusuhin ng gatas ng baka.”
Napatango si Tatay sa suhestiyon ni Nanay.
“Tama ka. Bilhin na lang natin si Itim.”
“Pero pumayag naman kaya? Paano kung hindi?”
“Bahala na. Saka tayo mag-isip ng paraan kapag nandiyan na. Magdasal tayo na sana. Wala nang dumating para bawiin sa atin si Itim.”
Ako at ang iba ko pang kapatid ay nalungkot. Parang hindi namin matatanggap na mawawala sa amin si Itim. Naging bahagi na ng aming buhay si Itim. Palagay ko hindi na magiging masaya ang aming buhay kapag nawala sa amin si Itim. Itinuring na namin na miyembro ng pamilya si Itim.
Subalit nagdaan ang mga araw at buwan, wala namang tao na umang?in kay Itim.
Kaya nagpatuloy ang aming masayang buhay kasama si Itim.
Habang tumatagal, napapansin namin na lalong naging malakas si Itim. Hindi napapagod kahit ilang beses na magbiyahe ng palay, mais at saging patungong bayan gamit ang kalesa.
Pambihira ang lakas ni Itim. Sabi ng mga nakakita, ngayon lang daw sila nakakita ng kabayo na superlakas.
(Itutuloy)
- Latest
















