‘Kuwitis’ (Part 5)
Ang mga nakasabit na kuwitis na aking sinindihan ay sa aming bodega lahat nagtungo at dahil tuyung-tuyo ang dingding na kawayan at bubong na kugon, mabilis na nagliyab.
Nasa bodega ang mga sako ng palay, mais at monggo na nakatakdang ipagbili para sa pag-eenrol ko.
Ang pinakamasaklap na nangyari sa akin, ang isang kuwitis na hindi pumutok at natira sa sampayan ay kinuha ko.
Huli na nang mapansin ko na may sindi pa pala iyon. Paghawak ko, biglang sumirit at sumabog sa kamay ko.
Sa lakas ng pagsabog ay nayanig ako at napadapa sa lupa. Iyon ang huli kong natandaan.
Nang magkamalay ay nasa community hospital na ako. May benda ang aking balikat at dibdib. Mahapdi ang sugat. Kapag kumikilos ako ay tila binabanat ang balat sa dibdib.
Pero masuwerte ako at hindi nabulag.
Ang aking ina at kapatid ang nagbabantay sa akin. Umiiyak si Inay sa nangyari sa akin.
(Itutuloy)
- Latest
















