^

Punto Mo

‘Kuwitis’ (Part 2)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

Sandaang piraso ng kuwitis ang aking binibili para gamitin sa pagsalubong sa Bagong Taon. Ang perang ipinambili ko ng kuwitis ay binawas ko sa aking allowance.

Sabay-sabay kong sisindihan ang mga kuwitis, limang minuto bago mag-12:00 ng hatinggabi.

Sa likod ng aming bahay sa probinsiya ko ginagawa ang pagpaputok. Hapon ng Disyembre 31, ay itinatali ko na ang alambre sa mga puno ng mangga at niyog. Parang sampayan ng damit at doon ko isinasabit ang mga kuwitis. May pagitan na isang dangkal ang bawat kuwitis.

Bago ko isabit ang mga kuwitis ay sinisiguro ko munang hindi uulan. Kapag nabasa ang mitsa ng kuwitis ay hindi na ito puputok.

Minsan, naisabit ko na ang may 25 kuwitis nang biglang umambon. Nabasa ang mitsa ng mga kuwitis na nakasabit. Nanghinayang ako dahil hindi na maaring gamitin ang mga kuwitis. Kaya ang nangyari, 75 kuwitis lamang ang aking napaputok ng Bagong Taon na iyon.

Sumunod na Bagong Taon, siniguro ko munang hindi uulan para hindi masayang ang mga kuwitis. (Itutuloy)

KUWITIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with