Boss Sandro, isasapubliko ang testimonya sa ICI!
Para patunayan na wala siyang itinatago, pinayagan ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” Marcos ang Independent Commission for Infrastructure (ICI) na isapubliko ang video ng kanyang testimonya sa pagdinig ng flood control scam. Nauna rito, hiniling ni Boss Sandro na ipasailalim sa executive session ang kanyang testimonya upang pangalagaan ang integridad ng ICI investigation at hindi ang kanyang inosenteng sarili. “I have given the ICI full authority to release, if they deem fit, to release the video of my testimony — if they believe there’s no information there that might jeopardize their investigation,” ayon kay Boss Sandro. “I’m innocent,” ang paglilinaw ni Boss Sandro sa pagkasangkot sa kanya sa nasabing iregularidad sa flood control. Si Boss Sandro ay idinawit ni ex-Bicol Ako Rep. Zaldy Co sa kanyang video message sa umano’y bilyong budget insertion na iniimbestigahan ng ICI. Tinawag ni Boss Sandro ang akusasyon laban sa kanya na parte ng destabilization laban sa gobyerno. Nanawagan si Boss Sandro sa publiko na ‘wag magpabudol kay Co. Marami ang nanawagan kay Co na bumalik na sa Pinas. Ilang pulitiko, kabilang na si ex-Speaker Martin Romualdez, at top officials ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ay inimbitahan ng ICI upang dinggin ang kanilang panig sa akusasyon laban sa kanila. Marami sa kanila ang kinasuhan na sa Ombudsman.
Para makuha ang kanyang panig, sumipot si Boss Sandro sa ICI noong December 4 at hiniling na gawing executive session ang kanyang sasabihin sa imbestigasyon. Sinabi naman ng ICI na pinagbigyan nila ang kahilingan ni Boss Sandro dahil posibleng mailahad nito ang sensitibo at kritikal na impormasyon mula sa resource person- mga detalyeng maaring makaapekto sa imbestigasyon kung ilalabas na live sa publiko. Dahil dito, biglaang ipinahinto ang livestream ng pagdinig at itinuloy ito sa executive session, kung saan tanging mga miyembro ng komisyon at piling resource persons lamang ang pinayagang manatili. Sanamagan!
Hindi nangangahulugan na may VIP treatment kay Boss Sandro dahil mataas na opisyal siya ng Kamara at anak pa ng Presidente ha? Ipinaliwanag ni Boss Sandro na hindi pansariling dahilan upang hilingin niya ang executive session kundi “(my) primary concern was safeguarding the integrity of the fact-finding process.” Pumayag si Boss Sandro na isapubliko ang testimonya niya subalit ibinato sa ICI ang pagdesisyon, basta hindi ma-compromise ang kanilang trabaho, na sinang-ayunan naman ng kanyang abogadong si Atty. Michele Lazaro. “There may be critical information that may be elicited from his testimony which may jeopardize or compromise further investigation of this commission,” ani Lazaro. The truth shall prevail sa kasong ito! Abangan!
- Latest
















