^

Punto Mo

Smart life tricks

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

• Mas mabilis kumbinsihin ang mga taong pagod.

• Mas malaki ang tsansa na kumita ang restaurant kung ang ipapakita nila sa advertisement ay maraming taong kumakain sa restaurant kaysa ang ipapakita lang ay mga pagkaing isinisilbi nila. Ito ang dahilan kung bakit mas inuunang punuin ang table malapit sa entrance ng restaurant.

• Ang pamphlets na gumamit ng bold, red or blue fonts sa teksto ay mas nakakaakit na basahin kaysa pamphlet na gumamit ng pangkaraniwang size at walang kulay na teksto.

• Sa job interview, kadalasan, ang pinakauna at pinakahuling interviewee ang mabilis matandaan ng interviewer.

• Mawawalan ng focus ang iyong kausap kung tititigan mo ang kanyang hairline habang siya ay nagsasalita.

• Kung alam mong may kasamahan ka sa trabaho na ayaw sa iyo, tumabi ka sa kanya kapag may meeting o social event. Mababawasan ang asar niya sa iyo.

• Kapag may presentation sa big bosses or oral report sa school, gumamit ng hand gestures at lumakad-lakad habang nagsasalita. Magmumukha kang confident at hindi mahahalata na ninenerbiyos ka.

• Kapag ihihiga mo ang lasing na walang malay sa kanyang bed, mas mabuting manatili siyang nakatagilid. Huwag mong hahayaang tumihaya ito dahil kapag biglang sumuka, malamang na ito ay mabilaukan at mamatay. Hindi rin dapat hayaang  tumaob siya, kaya lagyan ng unan sa likod at harap para manatiling nakatagilid ang posisyon.

JOB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with