^

Punto Mo

Flocerfida (142)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“GUSTO ko nang ilipat sa iba ang mutya ng ulikbangon,” sabi ni Florenz.

“Bakit?”

“Pakiramdam ko e nanghihina na ako at bago ako lubos na manghina e kailangan naipasa ko na sa iba ang mutya.”

“Pero hindi ka naman namamatay di ba?”

“Oo. Pero nagsasawa na ako.”

“Nagsasawa ka nang mabuhay?”

“Oo—lagi na lang akong nabubuhay—laging buma­bangon.”

“Ayaw mo nun?”

“Mahirap, Kikoy. Akala mo lang masarap pero hindi. Nakakasawa na ang pagbangon.”

“Ang akala ko masarap ang may mutya ng ulikbangon.”

“Nung una masarap pero pagtumagal na nakakasawa na. Gusto ko nang mamatay.”

“Sa Saudi ba nakaranas ka nang bumangon kahit mamamatay ka na?”

“Ang daming beses. Minsan pa nga nangisay ako sa harap ng boss kong Arabo. Nabulunan ako ng kubos na binigay ni Boss. Hindi talaga ako makahinga. Taranta ang boss kong si Al-Ghamdi. Patay na talaga ako!

“Nang bigla akong bumangon. Parang walang nangyari. Parang binabad sa suka ang boss ko.”

(Itutuloy)

FLORENZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with