Committee hearing ni Bato, pang-movie!

STAR STUDDED cast ang naging imbestigasyon ng Senado sa ilalim ng Committee on Public Order and Dangerous Drugs ni Sen. Bato dela Rosa na pinagbibidahan ni Jonathan Morales as “The Star Witness”!

Si Morales ay dating intel officer ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Marami raw atraso si Morales sa noo’y Presidential Anti Organized Crime Task Force (PAOCTF) na pinamunuan ni dating Sen. Panfilo Lacson. Invite “The Punisher”!

Nag-dialogue si Morales na malamang na ipapapatay daw siya ni Bonget dahil sa ginawa niya. Excited ang ibang kaaway niya ngayon dahil may ibang masisisi. “Death Wish”!

Lumutang si Morales dahil sa isyung pagdodroga raw nina Pres. Bongbong Marcos at Maricel Soriano. Ginanap umano ang drug session sa bahay ni Soriano sa Rockwell Condominium sa Makati noong 2012. Certified authentic dahil punchered ang documents. Produced by Agent Morris, “The Authentics”!

Halos limang minuto lamang ang itinagal ng pagtatanong ni Bato kay Soriano matapos pabulaanan nito ang nakasaad sa report ni Morales. “The Bald and the Beautiful” “Short Cuts”!

Casted rin si Sen. Robin Padilla sa hearing sa papel na tagapanood lamang at alalay ni Soriano sa paglabas nito sa bulwagan. Binoy is “The Bodyguard”!

Si Sen. Jinggoy Estrada ang dumiin sa pagtatanong kay Morales na humantong sa konklusyon nito na naninira lamang ng pagkatao si Morales at isa itong sinungaling. Jinggoy is “The Predator”!

Show comments