^

Punto Mo

‘Alila’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NOONG unang panahon, sobrang makisama ang mga tao lalo na sa mga kamag-anak. Kuwento ng aking ina, minsan ay iniaalok siya sa kamag-anak ng kanyang ina para maging katulong pansamantala habang naghahanap pa ang mga ito ng maid.

“Pumapayag ka?” tanong ko sa aking ina.

“Kailangan kong sumunod,” sagot sa akin.

“Anong gagawin sa iyo kung hindi ka pumayag?”

“Hindi ko alam. Hindi pa ako sumuway kahit kailan.”

Ang nakakainis sa ugaling iyon ng matatanda, pinahinto na nga ang anak nila sa pag-aaral, ipagtutulakan pa ang mga anak na maging “temporary katulong”, ng mga kamag-anak na nilayasan ng maid sa ngalan ng “pakikisama”. At ang pandagdag pa sa nakakainis na kuwentong ito, nagsisilbi sila na walang pinag-uusapang suweldo. Kapag tapos na ang “pansamantalang pagsisilbi” ng mga dalawang buwan dahil dumating na ang maid mula sa ahensiya, itinahi siya ng isang damit dahil mananahi ‘yung pinagsilbihan niya. Minsan may bonus pang padalang pagkain para sa buong pamilya. Ganoon lang.

Ang sabi ko sa aking ina, hindi namamalayan ng iyong ina (my lola) na nang-aabuso na sila ng anak. Para siyang nagpapahiram ng gamit. Hinahayaang alilain ka nang walang suweldo. Pero tinutulan ito ng aking ina, siyempre nanay niya iyon:

“Ganoon talaga ang pakisamahan ng matatanda. Nagsusuyuan sila. Para kung kami naman ang mangailangan, sila naman ang tutulong sa amin.”

“E, ano ho ang naitulong nila sa inyo?”

Walang maisagot si Nanay dahil natapos ang “pakisama” ng aking lola na siya lang ang naka­pagbigay ng pabor.

Salamat na lang at hindi ako nabuhay noong panahon nila. Baka lagi akong nasasampal ng aking magulang. Basta kasi hindi makatarungan at hindi naman ikauunlad ng aking kabuhayan at ng aking pagkatao, walang makapag-uutos sa akin kung ano ang dapat kong gawin.       

ALILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with