^

Punto Mo

Manang Rose (185)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Tinawagan ni Eliz ang kanyang mama ng oras ding iyon. Nakatingin sina Ella at Emmie habang kinokontak ni Eliz ang kanilang mama.

“’Ma si Eliz ito. Kumusta? May ginagawa ka ba?’’

“Wala naman, Eliz. Bakit ka natawag?’’

“Kasi nag-usap-usap kami nina Ella at Emmie—tungkol sa’yo.’’

“Ano ang tungkol sa akin, Eliz?’’

“Nasabi ko kasi sa kanila na balak ko na ikaw patigilin sa pagtatrabaho riyan. Gusto ko kasi, magkasama-sama na tayo rito. May trabaho na naman ako at palagay ko, kaya nang gastusan ang pag-aaral ng dalawa. Gusto ko magkasama-sama na tayo, ‘Ma.’’

Hindi agad nakasagot si Melba.

Nang sumagot ay parang maiiyak.

“Salamat at naaalala mo ako Eliz. Ako gusto ko ring magkasama-sama na tayo. Gusto ko lagi tayong nagkukuwentuhan at kumakain nang sabay. Pero gusto ko rin namang tulungan ka sa pagpapaaral sa dalawa mong kapatid. Ang plano ko, mga tatlong taon pa sa Saudi. Eksakto, tapos na sa kolehiyo sina Ella. Ano sa palagay mo, Eliz?’’

“Sige Ma. Tatlong taon ka na lang diyan ha?’’

“Oo. Makakaipon pa ako. Pag-uwi ko, masaya tayo at masagana.’’

Gustong maiyak ni Eliz.

(Itutuloy)

vuukle comment

ELIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with