^

Punto Mo

Manang Rose (182)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Tuwang-tuwa si Gino nang malaman na nakapasa sa Licensure Examinations for Teachers si Eliz. Si Eliz mismo ang nagbalita sa kanya.

“Kailan lumabas ang results ng LET?’’ tanong ni Gino.

“Ngayon lang! Nasa online.’’

“Talaga? E di ako ang una mong sinabihan?’’

“Oo.’’

“Congrats uli,’’ sabi ni Gino at niyakap si Eliz.

“Salamat, Gino. Ikaw ang inspirasyon ko kaya nakapasa. Sabi ko, ikaw ang una kong babalitaan kapag nakapasa ako.’

“Di ba sabi ko sa’yo, papasa ka. Malaki ang tiwala ko sa’yo Eliz.’’

“Salamat Gino.’’

“Halika sabihin natin kay Manang Rose. Tiyak na matutuwa yun dahil isa ka nang ganap na guro na tulad niya.’’

Pupuntahan na sana nila si Manang pero hindi na pala kailangan dahil papalapit na ito sa kanila.

Sinalubong ni Eliz.

“Manang nakapasa ako sa LET. Guro na ako!’’

“Talaga? Congrats!’’ sabi at mahigpit na niyakap si Eliz.

“Sabi ko na at papasa ka. Ipinagdasal kita, Eliz.’’

“Salamat po.’’

“Lahat ng mga paghihirap at pasakit ay may katapusan. Ngayon ay talagang tagumpay ka na.’’

“Oo nga po, Manang.’’

“Ang idadalangin ko, makapagturo ka agad.”

“’Yan din ang dasal ko sa kanya Manang,’’ sabi ni Gino.

Natupad ang mga dasal. Natanggap agad na guro si Eliz sa public school. Masayang-masaya siya. At ang mga kapatid pa rin ang nasa isip niya. Matutulungan na niya. Hindi na mahihirapan ang mama niya habang nasa Saudi.

(Itutuloy)

vuukle comment

ELIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with