^

Punto Mo

Manang Rose (140)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

Makalipas ang isang linggo, natuklasan ni Eliz ang dahilan kaya laging wala sa bahay ang kanyang mama at ka-live-in nito. Nag-aaplay sa ahensiya para sa trabaho sa Saudi Arabia. Pero ang nakagulat kay Eliz, hindi ang ka-live-in ang nag-aaplay kundi ang mama niya mismo—nag-aaplay na domestic helper sa Saudi!

Ipinagtapat iyon ni Eliz kay Gino ng Sabado na sunduin siya sa UST. Gaya ng dati, niyaya ni Gino si Eliz na kumain muli sa pizza house na paborito nila.

Habang kumakain ng masarap na pizza, sinabi ni Eliz ang natuklasan.

“Alam ko na kung sino ang nag-aaplay sa abroad, Gino.’’

“Talaga? Sino?’’

“Ang mama ko—DH ang inaaplayan sa Saudi.’’

“Bakit siya ang nag-aaplay? Ba’t hindi ang ka-live-in?’’

“’Yan nga ang tinatanong ko sa sarili. Bakit siya ang nag-aaplay? Bakit hindi ang lalaki?’’

“Kanino mo nalaman?’’

“Kay Ella at Emmie. Narinig daw nilang nag-uusap.’’

“E ano raw ang progress? Makakaalis daw?’’

“Wala pa. Nag-aaplay pa nga lang.’’

“Delikado sa Saudi. Di ba may mga inaabuso roon?’’

“Oo. Pero hindi yun ang iniisip ko Gino.’’

“Ano?’’

“Kapag natuloy si Mama, kanino iiwan sina Ella at Emmie? Sa kanyang ka-live-in? Diyos ko!’’

Napatigil sa pagnguya si Gino.

Oo nga, Saan iiwan ang dalawa? Delikado. Mga dalagita na ang dalawa. Baka pagnasaan ng ka-live-in? Baka pag-interesan?

“Anong gagawin ko Gino?’’

(Itutuloy)

vuukle comment

ELIZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with