^

Punto Mo

SAF isasabak vs ­ illegal drugs

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

POSIBLENG isabak sa anti- drug operation ng Philippine National Police (PNP) ang mga tauhan ng Special Action Force (SAF).

Bukas kasi sa panukalang ito si PNP chief Gen. Benjamin Acorda, Jr. sa layuning masawata ang mga katiwalian sa loob ng PNP-Drug Enforcement Group (PDEG) sa kanilang mga drug-ops.

Naging kontrobersiyal ang PDEG matapos ang malaking drug operation kung saan nasabat ang nasa 900 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng nasa P6.7 bilyon.

Sa kabila nang sana ay malaking tagumpay sa drug war ng ahensya, nabalutan ito ng kontrobersiya at lumutang pa ang anggulo ng cover-up.

Ilang matataas na opisyal ang nadawit.

Sa sunud-sunod na atake, masasabing bumaba ang moral ng maraming pulis.

Hindi pa nga dyan natapos, kung anu-anong mga panukala ang lumulutang sa kasalukuyan.

Nais na rin umanong buwagin ang special operations unit (SOU) ng PDEG sa buong bansa para raw maiwasan na muling masangkot ang sinumang pulis sa isyu ng ilegal na droga.

Parang hindi naman sa pagbuwag ng ilang units o paglalagay ng karagdagang puwersa ang magiging sagot sa problemang yan.

Kung talagang may mga ‘pasaway’ kahit saang unit pa yan, magiging problema kalaunan.

Ayon naman kay Acorda na malaki ang kanyang tiwala sa SAF trooper dahil sa kanilang kasanayan at expertise pagdating sa disiplina.

Dati na rin kasing nasabak ang SAF sa  seguridad sa New Bilibid Prison (NBP) nang malagay din ang piitan sa kontrobersiya  sa usapin ng iligal na droga.

Kung sabagay wala namang mawawala, kung subukan ang naturang mga panukala, kung saan ba makakabuti.

Kung di matagumpay pwede namang ibalik sa dati.

Yan ang tututukan ng inyong Responde.

vuukle comment

DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with