^

Punto Mo

Dagdag-buwis ­pahirap, pero ‘pag sa bisyo pasarap!

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

PINAPALAGAN ng online sellers ang ikinakasang paniningil ng gobyerno para sa karagdagang Value Added Tax (VAT) dahil ang tingin nila ay double taxation daw ito. Marami na rin kasi ang naubusan ng puhunan dahil sa on-line sabong, ha-ha-ha!

Nagsimula ang malawakang online selling noong panahon ng pandemya dahil walang trabaho ang karamihan at ayuda mula sa gobyerno ang inaasahan. Kaya itinataya nila sa STL ang kabahagi para raw palaguin. O diba? He-he!

Lumugso ang ekonomiya ng bansa dahil sa pandemya. Ikinonsidera ng pamahalaan ang amnestiya sa pangungolekta sa buwis kabilang ang real estate taxes at business permit renewals. Umabot sa P13 trilyon ang naipong utang ng bansa na napunta lang sa maanomalyang pagbili ng bakuna at clinical safety gadgets ng mga pampublikong doktor at nurses. Habang ang karamihan ay nagso-social distancing at meron nasa social drinking habang nanonood at namumusta sa telesabong at karera, ha-ha-ha!

Nakabangon na ng bahagya ang bansa sa unos ng kahirapan. Makikita naman ito sa iginagalaw ng mga kababayan natin. Puno na naman ang mga beerhouse at naglipana na naman ang drug pushers at adik. Busy naman ang senado at kongreso dahil sa mga pulis na sangkot sa bato. Ano ba yaaannn?

Ang mga economic manager/advisers ng gobyerno ay nagsasaliksik kung papano mapagagaan ang pamumuhay ng maralitang walang pinagkakakitaan. Kaya tumigil na rin sa pangungulimbat ang mga estupidong pulitiko at opisyales ng gobyerno sa kaban ng bayan. Kandidato pa raw ma-promote at mai-appoint ang ilan sa bagong posisyon sa administrasyon ni BBM. Hayeeeep!

vuukle comment

VALUE ADDED TAX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with